Wala naman akong pakialam don kasi wala naman akong investment don at malay ko ba sa mga investment na yan at kung tutuusin ngayon ko nga lang narinig ang Lehmann Brothers na ganon pala kalaking kompanya ito.
Matapos magfile ng bankruptcy, sanga-sanga ring problema ang idinulot nito na nagbigay ng sari-sari haka haka at mga ispekulasyon sa mga maaring epekto nito sa financial sector. Kakabit ng Lehmann Brothers na pangalan ang AIG na syang may hawak ng Philam Life Insurance sa Pilipinas. At dito ako napangiti. Kahit sabihin man nila na secured ang policy investment ng Philamlife sa kabila ng sinapit ng mother company nito, hindi pa rin maiaalis ang pangambang maari rin itong malugi. Kung nagkataon sana, isa ako sa maaring nag-aalala ngayon sa perang ininvest ko sa insurance policy.
Dati kasi akong may hinuhulugang insurance premium sa Pilipinas. Life Insurance at medyo may kamahalan din ang premium kung tutuusin kasi over 20 years old na kasi ako ng kumuha. Nakadalawang quarter na din ako ng hulog plus yong downpayment pero nong mahuli ako ng bayad sa third quarter ay biglang ninotify ako ng Philam na pinutol daw nila ang policy na hinuhulugan ko pero pwede ko daw itong i-reinstate. Ibig sabihin, tataas ang premium ko non. Kalokohan nila. Mali nga din ang naging desisyon ko kasi kailangan ko din talagang maniguro para sa kung ano man ang kinabukasan pero sa Pilipinas na hindi naman bahagi ng buhay ng tao ang insurance na tinatawag, unlike sa ibang bansa na niri-required mismo ng gobyerno, di talaga maaalis ang pagkakaroon ng agam-agam at pangamba. Katulad sa nangyari sa CAP at ano nga yong isa, na hindi na nabawi ng ibang holder ang pera nila. Tsk..tsk..tsk!
Nakakalito tuloy ngayon kung sa papanong paraan ka pwedeng mag-ipon na hindi ka mag-alala na posibleng maglaho ang pinaghirapan mo ng ganon ganon lang lalo na kapag para ito sa kasiguruhan ng kinabukasan. Ganunpaman, sabi nga nila, sugal daw ang buhay kaya kailangan mong tumaya at sa sugal may nanalo at may natatalo. Malas mo lang kung ikaw yon. Okey lang yon. Ang mahalaga may natutuhan ka sa buhay kesa nanatili kang duwag.
Unstable na daw ang pangkalahatang ekonomiya ng mundo lalo na ng America. Pero sabi nila may solusyon daw si Obama.
Ano sa tingin mo?
4 comments:
a so buhay pa pala si oprah.
mayad kat ing hay may insurance gali aber paalin. ako hay mamatay eagi cguro nga bukon it insured ha ha
Laging pinag-uusapan dito ng mga bossings ang nangyari sa Lehmann at AIG. Hindi ako makasabat kasi di din ako familiar sa Lehmann dati, kaya napipilitan tuloy akong magbasa ng Google at Yahoo News ngayon. Hehe.
Nag-trabaho ako dati sa Philamlife. Nag-coconceptualize ng mga marketing strategies for Reinstatements. Ask mo sa agent mo kung merong "Reinstatement Drive" kasi pag meron, nawe-waive ang interest charges ng lapsed policy mo. Ang babayaran mo na lang 'yung mga back premiums mo. Malaking tipid 'yun.
I feel bad for AIG, lalo na sa Philamlife. Minsan din kasi akong naging parte ng pamilya nila. Malaki kasi ang naging epekto ng "CAP Scare" sa lahat ng insurance companies sa Pinas. What more pa kaya ngayon?
@ abou .. buhi pa man siguro si oprah. owa man abi imaw magtext kakon kadyang aga.
wag ka na kumuha mahal na ang premium mo nyan kasi malapit ka na sa average life span.
@ gas dude .. before ako umalis ng pilipinas nagdecide na ako na itigil ko na lang ang paghulog sa kinuha kong policy. sayang din kung tutuusin pero ok na yon kesa lagi akong mag-iisip tungkol don.
ay wala akong alam dyan. mejo tanga ako sa mga bagay na ganyan.
so buhay pa si Oprah?
Post a Comment