Makulimlim ang paligid. Nagsisimula ng magtuyuan ang dating luntiang paligid. Naglalagan na ang mga tuyong dahon na animo'y ulan sa umaga. Ang lungkot. Para bang balat ng yumao kong lola na hindi na na kayang paputiin ng kahit na anong whitening soap. Kulubot at para ka bang nasa kabihasnang madalang marating ng tao. Pakiramdam ko parang sepia ang kulay ng kapaligiran. Hinahayaan lang kasi nila ang mga tuyong dahon na nagkalat kahit nasa pintuan na ito. Kung nandito lang siguro ang nanay ko, araw-araw kaming may tagawalis at tagasiga ng mga dahong ito.
Taglamig na pala. Parang hindi ko ramdam. Kasi naman nakahubad pa rin ako kung matulog. Oo. Gusto ko kasi yong pakiramdam nang magkadikit ang balat ko at kumot. At saka, para shortcut na kung sakaling may mga seremonyas. Pero nitong mga nakaraang araw, hindi na pinagpapawisan ang likod ng tuhod ko. Ano nga ang tawag don? Alak-alakan? At nagbabalat na rin ang dulo ng mga daliri ko sa paa. At saka, nangangati na ang anit ko dahil sa balakubak. Ito ang mga nararamdaman ko pagka taglamig na. Ah, sa wakas, puputi na uli ako.
Maginaw. Dati ko itong pinananabikan dahil walang ganito sa Pinas ang drama ko ng unang apak ko dito sa Geneva. Palibhasa kasi puro na lang maiinit don kaya parang huwaw ang dating sa akin ng autumn. At nagagaya ko pa si Hua Ze Lie at Dao Ming Su, 'yong nagsusuot ng scarf at bonnet hanggang tumagaktak ang pawis kahit na anong lamig. Maliban kasi sa makapal na suot, nakakadagdag init din sa katawan ang mga props na katulad ng scarf at bonnet. At dahil, halos anim na buwan ang taglamig, anim na buwan ka ding balot. Tingnan natin kung di ka nga talaga puputi. Peke ang Likas Papaya na yan. At syempre, aantayin na ang pag-isnow. Dahil pinoy ako, pinoy tayo at walang kahilig-hilig sa piktyuran, talagang pakyut ako noong unang experience ko sa snow. Oha, adik! Teka, asan na ba yon?
Maulan. Malimit na naman umulan ngayon dito. Kapag ganito sa Pinas dati, ang hirap gumising dahil ang sarap pang magtalukbong ng kumot dahil lang sa kaunting ginaw na dulot ng ulan, mas lalo dito ngayon. Nakakatamad bumangon. Dagdag pa ang madilim na paligid kahit alas syete na ng umag na mas lalo pang madilim kapag winter na talaga. Ang ikinababahala ko pa kapag ganitong panahon ay baka magising mula sa pagkakahibernate ang bestfriend ko na ipinamana ng tatay ko. (back read ka lang sa previous post kung interesado kang malaman) Ang kinaigihan lang nito ay kahit anong ulan, hindi bumabaha. Kung nagkataon, aba e, parang nasa Kalentong lang din ako.
Mahangin. Ito ang nakakadagdag sa ginaw. Perwisyo sa akin ang paglabas na malakas ang ihip ng hangin lalo na kung nakacontact lens ako. (akala mo naman meron) Napapatingin kasi sa akin ang mga nakakasalubong ko kasi akala nila umiiyak ako. Sensitibo lang kaya ang mata ko sa hangin. Pero walang patama ang hangin dito sa lakas ng hangin ng kapitbahay ko dati. Di lang ako napapaluha, nagtatagis lang ang bagang ko sa inis at kung may madyik lang ako, gagawin ko syang platito para kahit papano ay may pakinabang. Basta!
Pero may choice ba ako? E sa ganito talaga ang klima dito sa Suisse. Wala akong magagawa kaya dito ko na lang isusulat ang hindi napapawi ng mga buntunghininga ko.
And this made me realize one thing. I missed HOME.
18 comments:
aba at may ganun pa talaga!hehe!
hays at least malamig na hangin ang dumadampi sa makinis mong kutis. Sa kin sandstorm lang naman..
i missed home too.
Buti na lang uwi na ko 2 weeks from now wahehehehehe!
mang inggit ba?
gusto ko ng snow at makipaghabulan ke snowman ha ha ha
cgurado rayumahon ka eomnam kara ha ha
@ madjik - ay gauli ka eot ing gali? ma hiatus ka kara? he he
buti ka pa kuya at nakakaranas ng sobrang lamig na nagyeyelo..ako ata ay hanggang panagarap nalang e..
parang ang saya ng autumn. kulay red, orange, at yellow ang mga dahon. at susunod na ang winter. madaming snow tiyak... hays... but still, there's no place like home...
nauso sa pinas ang bonet at scarf. magandang tignan pero pero parang ang weird. ang init kaya. para kang nag-shades sa gabi. hehehe!
hahaha. diri iya, ga umpisa pa lang yellow ang mga dahon... sang last week lang nag umpisa ang official fall season... pero tugnaw run.. kag dulom pa bisan 7am run... daw tamad ko pirme magbangon kung aga...
@ madjik .. daea mo du laptop kung gauli ka?
mahirap maghiatus.
@ abou .. ano pa! napi-feel ko eon ngani du sakit kon magbugtaw sa agahon.
pwede man si tonyo makionline kimo una.
@ do. rio .. ayoko ko na nga ng lamig doc. masakit sa katawan.
@ roneiluke, rn. .. gusto ko lang na part ng autumn ay yaong nag-papalit pa lang ng kulay ang mga dahon. yon ang kakaiba. pero pag naglalagan na, paang patay ang paligid.
ang pinoy naman basta uso alang pakialam.
@ palagpat .. hesus! mas tugnaw guro dyan e no. amo gid man ang kaulugtas, ang magbugtaw kon aga kapin pa kon pulaw sa blog sa gab-i.
palit tau kuya, ako muna jan, ehehe!
gusto ko makakita ng niyebe,at makaranas ng tag lamig.
padala ka naman ng snow dito,hehe!
Napagtanto ko lang na dahil BER month na eh madaming OFW Bloggers ang nagiging EMO ngayon. Haaayyy...
Tayu-tayo na lang kaya ang mag Monito Monita? *LOLz*
HAHAHA! tiyak sobrang kalat. kaya ok na dalawa lang ang pnahon sa Pilipinas. krisis yan sa basura panigurado! hahaha! ewan ko ba... hindi na praktical ang ibang tao. napaka-superficial.. hehehe!
---
salamat naman at natapos mong basahin :) hehehe! hindi yun series. just a random thought... :)
peace out! kamusta na nga pala ang issue bout dun sa LHC. malapit ko na matapos A and D ulit. hehehe@!
@ teresa .. iniisip ko nga kung papano magpadala ng snow jan na buo pa din pagdating ng pinas.
@ gas dude .. ganyan talaga kas naiisip ang pako sa pinas.
monito monita? LOLz..high school na highscool.
@ roneiluke, rn. .. LHC? ayon, di na yata itutuloy ngayong october ang firs collision kasi may nasira daw na connection at medyo kailangan ng time para maayos. autumn next year na lang daw nila gagawin.
buti nga!
@ponchong:
hehehe.. ako din, hindi ko alam ano ang irereply ko sau..hehe nakakahawa ka ba? hehe but thanks for the visit, mate...
wooow isang malalim na post!
hello ponchong!
little request, can you change my old url (leviuqse.blogspot.com / alex / retarded's notebook) to www.retardedsnotebook.com on your blogroll?
salamat!!!!
awwww. you really missed home kuya ponchi. ilang taon na lang makakabalik ka na din.
ayoko ng malamig. gusto ko tama lang. iba talaga epekto nito sa akin. kebata bata ko pa nangingitrot na yung mga buto ko sa paa.lols
uwi na kuya!
no new post?hmmm busy?
---
off the record, the voting is now open for the e[kwento]mo: emo writing contest. i almost forgot that i passed an entry—lamentations of a withered tin can. if you liked it, don’t hesitate to drop by this site and vote. voting will proceed until october 17 (friday). there are 15 entries from 15 aspiring emo bloggers. so if you have time, it would be nice if you check us out :)
http://kundiman.net/ekwentomo-entries/
gusto ko din ng snow...:)
Post a Comment