Hindi ako bobo. Sigurado ako don. Paminsan-minsan siguro tamad pero hindi ako bobo. Sabi pa nga ng mga kaibigan at mga kamag-anakan ko, swerte daw ang mga magulang ko kasi matalino daw ako. (daw ako!) Alam kong malinaw na magkaiba ang kahulugan ng dalawang salitang ito na sadyang ginagawang pananggalang ng karamihan sa tuwing sila ay mahuhusgahang bobito. Syempre, wala naman talagang aamin na sya ay isang bobo at isa ako don. Parang utot din 'yan, walang aamin kung sino ang nagbuga.
Pero katulad ng pag-amin ko noon na minsan na din akong umutot sa gitna ng maraming crowd, aaminin ko uli ngayon ang isang bagay tungkol sa akin. Oo, ang engot-engot ko pagdating sa kwentahan -- sa numero in general. Di ko alam kung sakit ba itong namamana o talagang endowned na kaagad sa isang katulad ko since birth. Pero hindi ito kaso ng kabobohan. Sabihin na lang nating may pagka-lousy.
Sabi nila mathematics is an exact science at matapos matukoy ng mga kagalang-galang na mga loko-loko ang bahagi ng utak ng tao na nagiging sanhi ng pagkapurol sa matematika, naniniwala ako na talagang merong balanse ang mga bagay bagay sa mundo. Hindi pa naman siguro ako mapapabilang sa mga dyscalculics o yaong mga walang kakayahang magdeal sa numero as to how many or how much. Nakakalito lang kasi. Pero malaki ang pag-asa ko na magkakaroon pa din ng bisa ang patuloy kong pagkain ng mani (basta mani).
Sa loob ng ilang taong nag-aral ako, aminado ako na mahina talaga ako sa matematika. Kinakabahan ako noon kapag tatawagin ako ng titser namin para irecite ang multiplication table at sana lagi kong dasal na sana table of 2 or table of 5 ang ibigay sa akin dahil kung hindi siguradong magkakalat ako. Nahirapan din akong mag-add, subtract, multiply, divide ng fraction. Kung bakit kasi naimbento pa ang mga yan e hindi naman sa araw-araw na buhay nakakasalubong ko ang fraction. Nang tumuntong naman ako ng high school, sumasakit ang ulo ko sa algebra. Hindi ko na nga alam ang simpleng numero lang, dadagdagan pa ng letters. Kulang na lang sasauluhin ko ang placement ng lahat ng letters sa alphabet. Pero sa totoo lang feeling no sweat ako that time at sa akin pa nangongopya ang ibang kaklase ko. Bakit kamo? Lagi ko kasing dala-dala ang lumang kwaderno ng kapatid ko. Alam mo naman sa public high school, paulit-ulit lang ang itinuturo ng mga titser. Ang assignment ng last year, ganon din ang assignment this year. Isang taon lang kaya ang pagitan namin ng sister ko. Pagdating naman sa statistics, ambilis ko sa kwentahan kasi nasa bag ko lagi ang vintage na calculator na ninenok ko sa nanay ko. Kaya tuloy kahit ngayon, pag nagkausap kami ng mga kabarkadang kaklase ko tungkol sa numero at ang bilis kong sumagot ang sunod na tanong, "Ambilis mo a. May calculator ka sa tabi mo ano?."
Minsan din akong nakipag-away sa namayapa ng tindera sa amin dati. Ang alam ko kasi matalino at tama ako kaya nakipagtalo ako. Inutusan kasi ako ng tatay ko na bumili ng yosi. Ang nasa isip ko kaagad, magbubulsa ako ng sukli. Sampung piso ang ibinigay n'ya at 8.50 ang nabili ko tapos ang sukli sa akin 1.50. Habang naglalakad pauwi, "mali" sabi ko. Dapat 2.50. Sabay balik sa tindahan. Sakto-saktong ang banat ko. Syempre talo ako at di ko iyon tanggap kaya pagdating sa bahay kinuwenta ko uli at tinanggap ko na lang ang pagkapahiya. Maghahanap na lang ako ng patas kaya sa tuwing bibili ako don, nangungupit ako ng jolens o kaya teks.
Laging gulat ko din ng minsang bigyan ako ng ribbon ng titser ko. Di ko pa alam sa una pero ng sabihin nya sa akin na Best in Math daw ako, para kong hahabulin ang isa kong kaklase para makipagpalit ng Best in Religion sa kanya. Ano ba mam? Paano ako magiging best in math e, di mo nga ako tinatawag para sa recitation, dagdagan pa na nakakatulugan kita. Paano nangyari 'yon.
Malala na siguro ito kasi kahit nasa ganitong edad na ako ay inaatake pa din ako ng pagkalousy ko. Napansin na din ito ng asawa ko dahil ilang beses na ring nangyari -- noong minsang muntikan na akong magbigay ng palit sa isang trabahong akala ko ay sobra ang ibinayad sa akin, noong sinabi ko na 600 lang ang idideposito ko at buti na lang matalino ang machine magbilang at sinabing 800 pala ito at nitong nakaraang araw lang, sobra ng isandaan ang actual na ibinigay ko sa kanya kesa sa sinabi ko. At dahil dito meron syang simpleng hiling. "Sana 'wag mamana ng anak mo ang kahinaan mong ito."
Mahirap magkunyari. Kesa naman dayain ko ang sarili kaya naman pasensya na, masyadong apektado ang intraparietal sulcus ko. Kung anuman yon bahala ka ng magsaliksik. Kung kabobohan man ang tingin ng iba sa kahinaan kung ito, napapasalamat pa din ako dahil kung minsan, dito ko nasusukat ang katapatan ng isang tao at kung may balak ba syang manlamang ng kapwa.
Isa lang ang sigurado ko. Bulldog nga ako sa numero pero hindi ako BOBO.
20 comments:
aminado akong mahina ako sa math nung highschool
pero nung nagcollege na ako lagi akong exempted sa algebra at physics.. napatunayan kong may kakayahan din ako kahit papano sa numero..
di ka naman siguro mahina sa numero kapag sahod na tinatanggap mo no
si nanay ko kasi ay math teacher kaya nako, pressured kaming magkakapatid. wala naman taong bobo tlaga kuya. nahahasa rin naman sa math, practice lng=]
tska hindi naman sa math mababase ang dunong. iba pa rin ang marunong sa buhay. tama ba? ahehe
ingats jan kuya=]
Hahaha bopols din ako sa numero. Pero wala talagang taong bobo. Napag-aralan ko sa Psych class ko nung college na ayun kay Gardner, there is such a thing as Multiple Intelligence. Kahit ang athletang si Yao Ming ay masasabi na ding 'matalino' dahil sa teorya ni Gardner na ito. Hehe.
haha!
ako ay mahina rin sa math.
at hindi ko alam kung paano ako nakakapasa sa mga math subjects ko.
pampasira dati ang grades ko sa math sa aking mga report card.
at totoo ung sa public school,paulit-ulit lang ang mga tinuturo,hahaha! ewan ko na lang ngaun.
i agree sa pangalawang comment. gumagaling ako sa math kapagka sweldo na ang binibilang hehehehe!
@ ferbert .. never ka bang nangopya? LoL...
@ abou .. a ibang usapan na yan. kasi one week pa lang kinukwenta ko na kung magkano babayaran ng amo ko sa akin. mahina lang ako kapag instant tinanong ako kung magkano dapat nyang bayaran lalo na kung wala pa sa schedule.
@ ced .. tama ka doc. kaya nga pilit kong magexcel sa iba kasi lagi akong talo sa math. at syempre kung paano mo naggawang worthy ang araw araw mong buhay, yan ang tamang dunong.
@ gas dude .. gardner? parang gardener, ako yon a. at yon din ang katotohanang pinaniniwalaan ko. walang taong bobo.
@ teresa .. ano pa! pero nong college ako iba ang nangyari. ok na sana mga grades ko pati algebra pwera lang sa isa -- English 101. as in 101. hirap talaga pag hindi ka gwapo sa paningin ng instructor.
@ madjik .. platits, sigurado pati absent mo hay ginakwenta mo ta ano?
count me in! or count me out!
kabobo mo rin ako sa math
di naman ako bopols sa math, di ko lang siya peyborit subject. pero ngayon ang trabaho ko (market research kasi)ay more sa quantitative kaya kailangan alisto sa pagbibilang.
maalala ko lang, kanino mo binigay yung aso mo?
maalala ko nga, nung nagcollege ako, nagshift ako ng course from management to education. kc naman ang hirap naman talaga ng algebra no.. Isama mo pa ang debit and credit,assets and liabilities...sa science teacher meron din pala.. walang kawala...
math? ano yun? di ko alam yun. ahaha.
naalala ko dati tuwing math subject namin nung highschool parang gusto kong magkunyaring may sakit para dalhin sa clinic habang oras ng math na yun. at minsan nagtatago pa ko sa likod ng nasa harap ko pra hindi ako makita ng teacher pag nagtatawag ng recitation sa nakakawindang na math na yan.
next subjecy please! ehehe
math? ano yun? di ko alam yun. ahaha.
naalala ko dati tuwing math subject namin nung highschool parang gusto kong magkunyaring may sakit para dalhin sa clinic habang oras ng math na yun. at minsan nagtatago pa ko sa likod ng nasa harap ko pra hindi ako makita ng teacher pag nagtatawag ng recitation sa nakakawindang na math na yan.
next subject please! ehehe
hahaha! math is my waterloo! kasalanan ito ng mga Greeks... at ang fraction??? kasalanan ito ng mga Sumerian ng Fertile Crescent!
hahaha! hindi sa pagmamayabang pero kung walang Math nung HS ako dapat ang naging Valedictorian! hahahaha!
ayokong magyabang pero math and science ang favorite subjects ko.
naalala ko yung first job while studying college, ang auditor ng company na pinagtra trabahuhan ko is SGV & CO. at bilib sila sa ken dahil maayos ang record ko ng FS ng company.
naku kuya ponchong! apir!
pahirap din sa akin ang math subject na yan. lalo na nung nagka accounting subject ako.gusto ko ng lumuha ng dugo sa hirap..hehe
pero kuya, hindi tau bobo nagkataon lang siguro na hindi tlga natin forte ang mga numero...=)
@ leviusqe -- hehehe...birds of the same feather are the same birds.
oha..kabobo.
@ madbong -- minsan na rin akong naging coordinator ng sales at marketing sa isang company before. medyo nahahasa na sana pati accounting ability pero may time talaga na sumasablay.
yong aso ko? di ko naman pinamigay. ibinalik ko lang ang sa pangangalaga ng tunay na may-ari. ako kasi dati nag-aalaga kaya lang di na kaya ng oras kasi me nag-oofer sa akin ng trabaho.
@ vaung -- parang si mike enriquez din yan. di ka tatantanan.
@ yods -- mas malala pa pala strategy mo kesa sa akin.
@ ronieluk, rn -- buti nga alam mo pa kung saan galing yang mga fraction na yan.
pasensya na kahit mahina ako sa math, honor roll pa din ako. LoL...
@ roland -- bigatin ka pala talaga. malamang kuripot ka din?
@ doc rio -- talagang di tayo bobo doc. ang magaling sa math mahina sa english kaya kita mo nasa tagalog ang blog ko. LoL!
Post a Comment