Demo Site

Thursday, February 28, 2008

a place called HOME

"There's no place like home."

Mahigit na rin sa pitong taon na rin na ako ay hindi talaga napipirmi sa amin -- kung saan ako ipinanganak, lumaki at nagkaisip. Hindi pa naman ito masyadong matagal pero ang dami ko ng namiss na "ano" at "sino".

Unang una, ang bahay namin. Tsk..tsk..sabi ng nanay ko wala na daw iyon. Giniba na daw ang "ancestral house" namin. Dating napakapresko ng bahay namin na yon. Yari sa kawayan at bubong na pawid at ang pinakaunang style ng bahay noon na may silong kung saan pwede kami mag-overnight stay kapag alam naming may nakaabang na walis tingting kapag kami ay pinapagalitan. Na sa kalaunan, dahil pawid nga ang bubong, nagmumukhang may piyesta sa loob ng bahay kapag tag-ulan dahil sa balat ng kung anu-anu (nescafe, milo, ovaltine, karton ng sigarilyo, maggi, anything na di kaagad nakakapenetrate ang tubig ulan). At kapag summer naman, kita ang heavenly bodies sa gabi lalo kapag full moon dahil sa dami ng butas. O di ba preskong presko. Perfect ang ventilation. Pero ngayon wala na yon. Wala na rin ang antik na haligi na sabi ng lola namin don ibaon ang mga natanggal naming ngipin para daw tumibay ang bahay. Bilib kayo? Walang ganyan sa swiss.

Miss ko na din ang higaan kong gawa sa kawayan. Talagang si tatay ko ang may gawa no'n para sa akin. Hehe..pasipsip s'ya. Kamusta na kaya 'yon. Sana 'di naman s'ya masyadong inaalila ng bagong umaangkin sa kanya.

Bakit ganon? Marahil hindi lang ako ang may ganitong katanungan. ('yon ba ang tanong?) Naaapreciate natin ang value ng isang bagay kapag wala na ito. Saka tayo manghihinayang. Wheww...dati rati ayaw ko sa amin. Kasi kukonti ang opportunities don e. Kung meron man madalang dumating at kadalasan napupunta iyon sa mga lintang nakapaligid sa matabang pulitiko. Kaya ako nag-aral kasi sabi ko sa nanay ko, ayaw kung humawak na lang araro at sagwan balang araw kundi papel at ballpen. Magiging pulitiko din ako. Haha...With conviction 'yan. Hehe...lupit talaga ng buhay kung minsan.

Iniweys, maliban sa bahay namin at sa "katre" ko, miss ko din ang nanay ko. Miss ko kung paano n'ya ako talakan kapag tanghali na gumigising, kapag walang sinaing, kapag masakit ulo nya, kapag walang pera. Oy, di naman ganon kasama nanay ko. Pasaway lang siguro ako kaya ako natatalakan, kaya kung minsan nagiging hayup ako. Sabi kais ng nanay ko kung minsan "haning baboy kaw....!" Kasalungat ng nanay ko ang tatay ko. Pero masama pag nagalit. Sukat bang itapon sa puno ng saging ang mga plato ng wala sa amin ang gustong maghugas ng pinggan. Grabe talaga ang ipinamanang ugali ng lolo ko. Pati anak ko napamanahan nya.

Kahit ganito ang mga eksenang naaalala ko, wala pa ring katulad kapag nasa sariling lungga ka. Dama mo talaga na malaya ka. Kaya sana, maapreciate rin ng iba kung ano ang nararamdaman naming mga Pinoy na malayo sa pamilya. Sa mga isinakripisyong bagay, kung minsan pati kaligayahan, para sa kanila, sana simpleng text lang na "SALAMAT." maalala kaming bigyan. (wala ngang load, asa ka pa sa text).

Sana di ka nabored magbasa.

Hehe..ing-ing time na. Babay!

Read more...

Wednesday, February 27, 2008

BILLs and more..

May karapatan ba akong magreklamo? Saan? Kanino? Kailangan ba talaga? Bahala na. Sino ba ang walang alalahanin ng kagaya sa akin? Sana 'di ako nag-iisa.


Katapusan na naman ng Pebrero. Matapos ang pasweet na Valentines Day at ang "masosyal" na birthday ng pangga ko, eto ang kinakaharap ko ngayon.


Bills..bills..and more bills! Nakakasawa na ang puta. Buwan buwan na lang dumadating. Parang monthly period na hindi naglalayag. Magbaksayon ka man sila nag-oovertime. Wala rin akong choice or else, mawawala rin kami, ako sa sirkulasyon.


Nagtanong ako one time kung bakit ako nagtatrabaho. Kung bakit na pwede namang hindi. Pero kapag nakikita ko itong kulay maputalang rosang papel na ito na nakapin sa corkboard sa ibabaw ng toaster namin sa bahay, ayon, di alintana kung pagod man. 'Di yata ito ang motivating factor ko para magbanat ng buto? Peste!


Tulad ngayon, due date na naman. Para akong maiyak. Kukonti nga lang trabaho ko ngayong linggo pero mas madami pa akong babayaran.


Pero teka, bakit ba ako nagrereklamo. May makarinig ba naman sa akin. Baka naman taasan lang ako ng kilay hanggang eleventh floor ng nagbabasa ng bllog ko (meron ba?).


Sana susunod hindi na bills, TSEKE naman.


Hay layf.


Gudlak!

Read more...

Thursday, February 21, 2008

one thursday...

Makulimlim ang panahon. Malamig pa din sa labas. At habang nagpapatay ako ng oras, minabuti ko munang umupo at tumipa dito sa harap ng computer ko. Pilit kinakausap pero wala akong makuhang sagot. Sa pagitan ng tunog ng mga tipa, paminsan minsan, nakasmile. Ngayon, pwede ka din palang tumawa at makipag-usap na hindi nagsasalita. Ano daw? Ewan....

Marami akong iniisip gawin pero lahat 'yon iniisip ko lang. Sa araw araw na ginawa ng Diyos (salamat at ako'y nakakagising pa) lagi na lang akong nakikiunahan at nakikipagsiksikan kung minsan sa mga kapwa ko naghahabaol ng oras para makarami ng trabaho. Para pantawid gutom. Para sa kinabukasan. Ahh, matindi talaga pangangailangan.


Hindi ko na nga rin mabilang kung ilang beses na din ako natapilok, nabangga, naapakan, naipit at kung mamalasin pa, madukutan at simpleng "excuse moi!" lang ang maririnig mo at wala rin akong choice kundi smile pa din. E hindi naman ako marunong magpranse kaya smile pa din.

Bakit kasi kelangan pang magtrabaho? Pwede namang hindi. Pero kailangan pa din. Ang gulo! Ganun pa man, iniisip maswerte pa din ako kahit papano'y may marangal na pinagkikitaan. E di ko naman pwedeng ipagbili katawan ko kasi siguradong wala namang bibili. Lugi pa ako.

Malapit ng mag-umpisa. Di bale, byernes na naman bukas. Isipin mo na lang ham yan.


Alay dyes y medya na. Tik..tak..


PAHABOL:

Meron lang akong tanong. Sabi ng teacher ko nong hay skul, "eyts" daw ang bigkas, ang dinig ko sa iba "ets", e dito sa pranse "ash". May kinalaman ba talaga sa tamang pagbigkas kung ikaw ay bisaya, bicolano, ilocano o kano? Ano bang tamang bigkas nito "H"? Wala naman siguro itong epekto sa ekonomiya ng Pilipinas kung eyts o ets man ito.

Read more...

Tuesday, February 19, 2008

wish LESS

Hindi ako maluho pero tanga ako kung sasabihin kong wala akong gustong angkinin. Masaya naman ako pero syempre paminsan minsan naglalaway din sa mga bagay na mayroon ang iba at kadalasan nagtatanong -- bakit ako ang hirap magkaroon ng ganyan. Tuloy, pinapangarap ko na magiging artista ako o di kaya maging senador. Sabi kasi masarap maging ganon at kahit saan ka magpunta, kilala at maraming LIBRE -- ang madalang na makita sa mundo. Sa totoo lang, dagdag ito sa wishlist ko (?) - o baka gagawa pa lang - at eto ang una. Hehe...


Sigurado ako, 'pag nagkaroon ako ng ganito, papalitan ko ang title ng blog ko na 'to. Wala ng nonsense -- IDIOT na lang. Talagang pinanindigan.

Mas hitech kayang di hamak ang calculator nito.

Paturo na lang ako sa kung sino marunong.

Kayod!

Read more...

Saturday, February 16, 2008

star BLOG

Meron lang akong nais balikan. Parang rewind sa nakaraan. Parang gustong alalahanin. At kapag naandon na ako sa puntong 'yon, gusto kong magslow motion ang lahat para bumagal ang oras at sila'y mas makakasama ko. Pero 'di pwede and slow motion at 'di pwede i-rewind. 'Pag nagkataon, mawawala ang tanging yaman ko sa buhay -- ang aking asawa't anak. Kaya sabi nga ang buhay ay laging nakaplay nakapagpinast-forward, 'di na pwede i-rewind. Wala ring scene selection.

Mga limang taon na rin siguro ng sila ay aking makasama't makatrabaho. Masayang katropa at kadalasa'y magkakasabwat sa pamimintas. Lahat may kanya kanyang specialty kaya naman iba iba rin ang oras ng pasok. Mga celebrity. Sikat. Laging nakakasama ng kahit sino mula paggising hanggang sa muling paglapat ng katawan sa higaan. Tagapayo. Tagapagpatawa. Tagapagbalita. In short, mga husto at hostess -- entertainers.

Mabuting mga kaibigan. Masarap na kasama. At higit sa lahat, 'di mahirap utangan. Ako ang laging gumagawa no'n. LOL :-)

Eto po kami noon. Alaala ng inyong 104.1 Star FM Kalibo.



ako, rolf, deslene & mike / on board: abou



tagapicture kasi -- ryan

Ayus! Sigurado may magrereact.


Read more...

Thursday, February 14, 2008

acknowledgement

Hindi ko alam kung bakit nakahiligan ko ang magblog nitong mga nakaraang araw. Sa totoo lang, hindi naman ako marunong magsulat. Ang ibig kung sabihin e, yong may alam talaga sa art ng pagsusulat. Basta ang alam ko marunong akong magbasa at nakakaintindi ng binabasa. Isa ito sa mga problema ko, maliban sa pagkahina ko sa numero na syang dahilan kung bakit hindi ako nag-accounting (nininerbyos kais ako sa math), 'di ko rin alam kung paano hanapan ng tamang adjective ang gusto kong sabihin. Kaya alam kong kulang sa panlasa ang nababasa nyo. E simpleng addition lang ang alam ko, the rest kailangan ko na calculator sa cell fone ko. Ganyan ako kamangmang kaya tamang "idiot".

Pero sa lahat ng mga dumaan at bumasa ng blog ko, SALAMAT. Pag-aaralan ko din kung paano dapat ayusin at balansehin ang mga sahog nito para maging tama kung 'di man pepekto ang lasa nito.

Sa susunod uli.

Read more...

Valentine's Day

MALIGAYANG ARAW NG MGA PUSO SA LAHAT!!

Ako lang naman ay nagtataka kung bakit napaka-excited ng ibang tao tuwing sasapit ang February 14. Marahil, isa sa mga dahilan ay birthday nila. Hehe..engot kasi ako. Ewan.

Kadalasan sa mga nakakasalubong ko ngayong araw ay may bitbit na bulaklak at kadalasan pulang rosas. Feeling ko tuloy hindi ako "in" sa araw na ito kasi wala akong bitbit na bulaklak o dahil kasi wala lang pambili. Sa aking paglalakad, kapansin pansin na halos puno ang mga restaurant at kahit nga McDonald's siksikan. Talaga naman! Lahat 'ata nakikidate. Paromantic effect 'ika nga nila.

Pahapon na. Tapos na din ako sa trabaho. Kahit amo ko nga ayaw din magspend ng kahit dinner sa labas. Corny daw. Mas maigi na lang na nasa bahay, menus pa sa gastos. Ako naman, sa kagustuhan ko din na magiging romantic pagdating ng bahay, nagpasya akong dumaan sa shop para bumili ng bulaklak. 'Susginoo..ang presyo parang presyo ng gasolina sa Pilipinas. Nananamantala rin siguro etong mga damuhong Swiso na 'to, pero la rin akong choice kundi pakawalan ang natitirang isandaang franco kapalit ng isang inayos na mga bulaklak na rose lang ang kilala ko pero in fairness, sosyal naman ang dating. Kelangan yon. At naku, puro talaga lalaki ang nasa pilahan. Wala bang babaeng nagbibigay ng bulaklak sa lalaki pag Valentine's Day? Nagtatanong lang.

Anyway, kahit gaano pa kamahal ang ibibigay mo sa isang taong, it is truly unworthy kung hindi man totoo ang intention mo. Ang importante nararamdaman ng binibigyan ang damdamin ng nagbibigay. Naks!

Read more...

Tuesday, February 05, 2008

billy et LORIE

I have this chance of seeing Billy Crawford's story in Maalala mo Kaya while searching some video in Veoh.com. I came to Switzerland three years ago and it was indeed true that Billy is known in here.



Quite a story. Not bad.



And while working in Europe for several years, syempre nagkaroon din ng karelasyon (wala akong hilig sa showbiz).



This LORIE. Sikat sa France. Britney Spears kumbaga daw.

She's hot.
Read more...