May karapatan ba akong magreklamo? Saan? Kanino? Kailangan ba talaga? Bahala na. Sino ba ang walang alalahanin ng kagaya sa akin? Sana 'di ako nag-iisa.
Katapusan na naman ng Pebrero. Matapos ang pasweet na Valentines Day at ang "masosyal" na birthday ng pangga ko, eto ang kinakaharap ko ngayon.
Bills..bills..and more bills! Nakakasawa na ang puta. Buwan buwan na lang dumadating. Parang monthly period na hindi naglalayag. Magbaksayon ka man sila nag-oovertime. Wala rin akong choice or else, mawawala rin kami, ako sa sirkulasyon.
Nagtanong ako one time kung bakit ako nagtatrabaho. Kung bakit na pwede namang hindi. Pero kapag nakikita ko itong kulay maputalang rosang papel na ito na nakapin sa corkboard sa ibabaw ng toaster namin sa bahay, ayon, di alintana kung pagod man. 'Di yata ito ang motivating factor ko para magbanat ng buto? Peste!
Tulad ngayon, due date na naman. Para akong maiyak. Kukonti nga lang trabaho ko ngayong linggo pero mas madami pa akong babayaran.
Pero teka, bakit ba ako nagrereklamo. May makarinig ba naman sa akin. Baka naman taasan lang ako ng kilay hanggang eleventh floor ng nagbabasa ng bllog ko (meron ba?).
Sana susunod hindi na bills, TSEKE naman.
Hay layf.
Gudlak!
2 comments:
ganun talaga ang lyfe..indi ka mabubuhay pag walang bills....yan lang ba bills mo?akin nga pati bills ng pamilya ko ako pa... :(
kalahati lang yan 'tol...nabayaran na ang kalahati...idagdag ko pa ang pampadala sa mga umaasa sa pilipinas kong mahal..
Post a Comment