Demo Site

Thursday, February 21, 2008

one thursday...

Makulimlim ang panahon. Malamig pa din sa labas. At habang nagpapatay ako ng oras, minabuti ko munang umupo at tumipa dito sa harap ng computer ko. Pilit kinakausap pero wala akong makuhang sagot. Sa pagitan ng tunog ng mga tipa, paminsan minsan, nakasmile. Ngayon, pwede ka din palang tumawa at makipag-usap na hindi nagsasalita. Ano daw? Ewan....

Marami akong iniisip gawin pero lahat 'yon iniisip ko lang. Sa araw araw na ginawa ng Diyos (salamat at ako'y nakakagising pa) lagi na lang akong nakikiunahan at nakikipagsiksikan kung minsan sa mga kapwa ko naghahabaol ng oras para makarami ng trabaho. Para pantawid gutom. Para sa kinabukasan. Ahh, matindi talaga pangangailangan.


Hindi ko na nga rin mabilang kung ilang beses na din ako natapilok, nabangga, naapakan, naipit at kung mamalasin pa, madukutan at simpleng "excuse moi!" lang ang maririnig mo at wala rin akong choice kundi smile pa din. E hindi naman ako marunong magpranse kaya smile pa din.

Bakit kasi kelangan pang magtrabaho? Pwede namang hindi. Pero kailangan pa din. Ang gulo! Ganun pa man, iniisip maswerte pa din ako kahit papano'y may marangal na pinagkikitaan. E di ko naman pwedeng ipagbili katawan ko kasi siguradong wala namang bibili. Lugi pa ako.

Malapit ng mag-umpisa. Di bale, byernes na naman bukas. Isipin mo na lang ham yan.


Alay dyes y medya na. Tik..tak..


PAHABOL:

Meron lang akong tanong. Sabi ng teacher ko nong hay skul, "eyts" daw ang bigkas, ang dinig ko sa iba "ets", e dito sa pranse "ash". May kinalaman ba talaga sa tamang pagbigkas kung ikaw ay bisaya, bicolano, ilocano o kano? Ano bang tamang bigkas nito "H"? Wala naman siguro itong epekto sa ekonomiya ng Pilipinas kung eyts o ets man ito.

No comments: