Demo Site

Sunday, April 27, 2008

BANGBUS (antukan trip)

Napaka-antukin kong tao. Hindi ko alam kung kanino ko ito namana. Parang kinakailangan ko na namang halukayin kung ano pa ang pwedeng naisaling katangian sa akin ng aking angkan. Alam ko tapos na ang panahon ng pagbibinata ko. Hindi na ako dapat matakaw sa tulog. Pero bakit para akong isang babaeng malandi pagdating sa antukan -- konting himas lang bumibigay, bumubukaka. Konting sandali lang ng pagpikit ng mata, dire-diretso sa hilikan.

Ewan ko kung bakit. Sa iisang pagkakataon lang naman ito nangyayari sa akin -- habang bumibyahe. Dyahe nga talaga kung minsan pero iniisip ko na lang hindi lang ako ang nag-iisang may ganitong ugali sa mundo. Andali kong antukin habang nasa sasakyan mapabus man o train o tram o kahit anong sasakyan kahit bisikleta (kapag ako ay nakaangkas).

Malala. Oo, walang kasing. Walang pinipili ke short distance o long distance man basta't lumapat na ang puwetan ko sa upuan, pakiramdam ko ay nasa kama ako. Kahit na nga nakatayo at nakasandal sa malapit sa pintuan, 'di ko mapigilan ang humilik. Sobra talaga. Kadalasan, nakakadalawa o tatlong lipat ako ng bus bago makarating sa trabaho kaya talagang sobra akong naaadik sa ganitong gawain.

Iba-iba na ang naging karanasan ko dahil sa pagiging antukero at tulugero ko sa sasakyan pero ni minsan ay hindi ako lumampas sa aking paroroonan. 'Yan din ang isang bagay na namaster ko na at 'di ko naman ito pinag-aralan. Minsan nga naaabutan ko ang sarili ko na humihilik, tumutulis ang bibig dahil nananaginip na hinahalikan ko ang anak ko, nalalaglag ang siko ko habang nakapatong sa bintana, malaglag ang hawak kong telepono at tumutulo ang laway sa sobrang sarap ng tulog. Kaya pag may mga pagkakataong ganito, kunya-kunyari lang akong nagtutulugtulugan at dinadaan na lang sa paubo-ubo para kunyari di halata pero kahit ako ay natatawa na din sa sarili ko. Paano kung merong nakakakilala sa akin. Kakahiya. E, sila kaya maantok.

Hindi ko kasi ugali ang makikipag-usap habang bumibyahe. Kaya palaging naaasar ang misis ko kapag nagkakasama kami sa byahe kasi daig pa nya si Lola Basyang kung magkwento ng alamat at pabula na pilit ko naman dineadma lalo na kapag may kasamang tanong at required akong sagutin iyon kaya i-style ko na ipinaparamdam sa kanya na "magkakilala ba tayo?" Kaya din pala niya eto ginagawa para hindi ako antukin. Alam nya kasing in less than 5 minutes pagkaandar ng bus ay magsisimula ng mamungay ang mga mata ko na prone sa sore eyes kaya umpisa na sya sa story telling act niya pero walang epek. Kulang na lang ay kumutan niya ako. Kung magkasya lang siguro ang unan at kumot sa bag ay araw araw ko itong dala.

Pilit ko itong nilalabanan pero the more na gusto kong iwasan mas lalo akong nadadala. Basta ang alam ko wala ako inaagrabyadong tao sa gawain kong. Ngayon kung meron tatawa, salamat naman dahil kahit inaantok o tulog ako, nakakapagpasaya pa din ako ng tao. Pantanggal stress din yon.

A, sigurado bukas mararanasan ko na naman 'to -- puyatin ba kasi ako ng entry na 'to at sana nakaRELATE ka.


Read more...

Wednesday, April 23, 2008

CANCER


Oo. Zodiac sign at nakuha ko ang image na yan sa isang astrology website. Pero hindi tungkol sa astrology ek..ek ang entry ko na 'to. Hep!..Basa!

Mayroon akong ilang mga kakilala at kapamilya pati na rin kapuso na merong sakit na kanser. Mahirap tanggapin na sa lahat ng karamdaman na pwedeng danasin e, eto pa ang malupit na ibinigay sa kanila. Ang iba nakaka-cope up pero merong hindi. Nakakadepress tuloy isipin. Tapos sasabihin na lang ng iba na "ganyan talaga ang buhay." Mahirap arukin kung minsan kung bakit nangyayari ang mga ganito. MArahil ay nagiging trend na ang pagkakaroon ng kanser. Kung wala ka nito, you're out. Hindi ka sosyal. Parang ganon ba.

Isa sa mga tiyahin ng asawa ko dito sa Geneva ay merong breast cancer. Naoperahan at nag-undergo ng chemotherapy. At least sa kaso nya, nalalabanan nya ang kanyang karamdaman kaya tuloy parang napeke ang kanser sa kanya.

Meron din akong pinsan sa HongKong na may breast cancer. Naoperahan na din, na-chemo at na-radiotherapy. Lahat ng mga process na a'to ay pinagdaanan na nya at sabi nga nya para na daw uli sya baby ngayon dahil muling tumubo na ang kanyang dating nalagas na mahabang buhok. Tsk..tsk..sayang, alaga pa naman nya yon ng rebond.

Kahapon, meron akong nameet. Magtatrabaho ako sa kanya. Nirefer ako ng isang kaibigan at ng marinig ko ang pangalan akala ko isa syang Espanyol kasi tunog Pinoy ang pangalan. Pero totoo nga Pilipino sya pero hindi marunong magtagalog kasi since pagkababy nya ay nasa ibang bansa na sila. Masayahin. Buong yabang pa nga nyang ipinakita sa akin ang kanyang painting ng Vigan sa Ilocos at ang kanyang pinakakaingatang banig. Pero meron din sya kanser. Nasal cavity cancer parang ganyan at rare daw ang ganon. Nakuha daw nya sa kanyang pagkakaroon ng Chinese blood. (Ferbert mag-ingat ka singkit). Pilit na nilalabanan at ibinabalik ang buhay sa normal. Na-alert din tuloy ako kasi meron ankong sinusitis.

At syempre kahapon din pag-uwi ko, very timely naman talaga ang pagkakaemail ng dati kong officemate na si Ate Billy. Oo, babae po sya kaya ate. Tunog lalaki lang ang pangalan. Ganyan kami sa opisina dati. May mg pangalan na akala mo babae pero lalaki at lalaki pero babae. Nalilito na nga iba minsan. Anyways, saan na nga tayo? Ay, oo. Ang email nya ay eto. Cancer related pa din. Tsk..tsk..



AFTER YEARS OF TELLING PEOPLE CHEMOTHERAPY IS THE ONLY WAY TO TRY AND ELIMINATE CANCER, JOHNS HOPKINS IS FINALLY STARTING TO TELL YOU THERE IS AN ALTERNATIVE WAY .

Cancer Update from Johns Hopkins :

1. Every person has cancer cells in the body. These cancer cells do not show up in the standard tests until they have multiplied to a few billion. When doctors tell cancer patients that there are no more cancer cells in their bodies after treatment, it just means the tests are unable to detect the cancer cells because they have not reached the detectable size.


2. Cancer cells occur between 6 to more than 10 times in a person's lifetime.


3. When the person's immune system is strong the cancer cells will be destroyed and prevented from multiplying and forming tumours.


4. When a person has cancer it indicates the person has multiple nutritional deficiencies. These could be due to genetic, environmental, food and lifestyle factors.


5. To overcome the multiple nutritional deficiencies, changing diet and including supplements will strengthen the immune system.

6. Chemotherapy involves poisoning the rapidly-growing cancer cells and also destroys rapidly-growing healthy cells in the bone marrow, gastro-intestinal tract etc, and can cause organ damage, like liver, kidneys, heart, lungs etc.


7. Radiation while destroying cancer cells also burns, scars and damages healthy cells, tissues and organs.


8. Initial treatment with chemotherapy and radiation will often reduce tumor size. However prolonged use of chemotherapy and radiation do not result in more tumor destruction.

9. When the body has too much toxic burden from chemotherapy and radiation the immune system is either compromised or destroyed, hence the person can succumb to various kinds of infections and complications.


10. Chemotherapy and radiation can cause cancer cells to mutate and become resistant and difficult to destroy. Surgery can also cause cancer cells to spread to other sites. 11. An effective way to battle cancer is to starve the cancer cells by not feeding it with the foods it needs to multiply.



WHAT CANCER CELLS FEED ON:


a. Sugar is a cancer-feeder. By cutting off sugar it cuts off one important food supply to the cancer cells. Sugar substitutes like NutraSweet, Equal,Spoonful, etc are made with Aspartame and it is harmful. A better natural substitute would be Manuka honey or molasses but only in very sma ll amounts. Table salt has a chemical added to make it w h i te in colour. Better alternative is Bragg's aminos or sea salt.

b. Milk causes the body to produce mucus, especially in the gastro-intestinal tract. Cancer feeds on mucus. By cutting off milk and substituting with unsweetened soy milk, cancer cells are being starved.

c. Cancer cells thrive in an acid environment. A meat-based diet is acidic and it is best to eat fish, and a little chicken rather than beef or pork. Meat also contains livestock antibiotics, growth hormones and parasites, which are all harmful, especially to people with cancer.

d. A diet made of 80% fresh vegetables and juice, whole grains, seeds, nuts and a little fruits help put the body into an alkaline environment. About 20% can be from cooked food including beans. Fresh vegetable juices provide live enzymes that are easily absorbed and reach down to cellular levels within 15 minutes t o no urish and enhance growth of healthy cells. To obtain live enzymes for building healthy cells try and drink fresh vegetable juice (most vegetables including bean sprouts) and eat some raw vegetables 2 or 3 times a day. Enzymes are destroyed at temperatures of 104 degrees F (40 degrees C).


e. Avoid coffee, tea, and chocolate, which have high caffeine. Green tea is a better alternative and has cancer-fighting properties. Water-best to drink purified water, or filtered, to avoid known toxins and heavy metals in tap water. Distilled water is acidic, avoid it.




12. Meat protein is difficult to digest and requires a lot of digestive enzymes. Undigested meat remaining in the intestines become putrified and leads to more toxic buildup.

13. Cancer cell walls have a tough protein covering. By refraining from or eating less meat it frees more e nzymes to attack the protein walls of cancer cells and allows the body's killer ce lls to destroy the cancer cells.


14. Some supplements build up the immune system (IP6, Flor-ssence, Essiac, anti-oxidants, vitamins, minerals, EFAs etc.) to enable the body's own killer cells to destroy cancer cells. Other supplements like vitamin E are known to cause apoptosis, or programmed cell death, the body's normal method of disposing of damaged, unwanted, or unneeded cells.

15. Cancer is a disease of the mind, body, and spirit. A proactive and positive spirit will help the cancer warrior be a survivor. Anger, unforgiveness and bitterness put the body into a stressful and acidic environment. Learn to have a loving and forgiving spirit. Learn to relax and enjoy life.


16. Cancer cells cannot thrive in an oxygenated environment. Exercising daily, and deep breathing help to get more oxygen down to the cellular level. Oxygen therapy is another means employed to destroy cancer cells.



Huss...na-alarm ako. Nakakawindang ang mga infos.

Ate Bill naman, balak mo yata talaga akong i-convert sa kulto mo. Saka na lang. Happy pa naman ako sa pagiging carnivore. Pero sige, in moderation na lang lahat.

Kayo na nagbabasa, pag-isipan nyo din. Ang naisulat ko ay tanging impormasyon lamang. Bahala na kayo magpasya kung maniwala ba kayo o hindi. Okay, meron ka five minutes para mag-isip at eto ay nagsisimula na.

Remember "Prevention is better than cure."




Read more...

Sunday, April 20, 2008

LEFT handed


Ano ba ang dapat -- kaliwa o kanan?

Ako lamang ay nagtataka kung bakit may ilang mga tao na napaka-particular sa kung anong side ng kamay ang dapat na gamitin. Nasa demokrasyang bansa naman tayo nabubuhay at palaging itinuturo sa atin ang kalayaan para mamili -- walang sapilitan. Kanya kanyang opinyon, dapat i-respeto.

Hindi ko maalala kung ano ang pinili ko -- maging kaliwete ba o kananite. Hindi ko din maalala kung nagbigay ba si nanay ko ng choices sa akin o kaya wala na akong choice kundi sundin ang choice niya.

------------------------

Noong maliit pa ako (hanggang ngayon maliit pa rin), habang nagpaparaktis pa lang magsulat gamit ang malaking MONGOL na binibili ng nanay namin, ang naalala ko ay pinapatik ng nanay ko ang aking kamay kapag namali ako ng hawak ng mongol. Dapat ay laging nasa kanan. Kailangan magsulat ka gamit ang kanang kamay. Bobo ka daw kasi 'pag kaliwete ka at kabaligtaran naman kapag kananite. Kaya tuloy pakiramdam ko para naka-acquire ako ng 99.9% solomonic wisdom dahil kananite ako. Napaka-astig ko at malimit mahirap ko maging kaibigan ang mga kaliwete.

------------------------

By nature kaliwete ako, as in kaliwang kamay ang madalas kong gamitin. 'Pag kumain, pag humawak ng kung anong bagay, pag nagpunas ng pwet, pag nangulangot at pag nagdya.....dyaran...text. (Haha..) Hindi ko alam kong nasa angkan din ba namin ito at kung isa ako sa mga nagmana nito. Mas malakas ang kaliwa kong kamay kesa sa kanan kaya madalas ito rin ang nababaldado. Maliban sa isang bagay. Kananite ako pag nagsulat. Kaya safe ako sa t'wing mag-aarange si Mam noon ng seat plan. Maliban sa maliit ako kaya lagi din ako nasa row 1. Parang umeepekto din sa akin ang tinuro sa akin ng nanay ko. Kasi siguro naniniwala ako. Hehe..ibang level ka kasi pag row 2 o row 3 ka na. Pero nabago ang perception ko sa ganitong bagay ng lumipat na ako sa elementary hanggang sa maghigh school. Gustong gusto ko tignan ang taong kaliwete pag nagsulat lalo na kapag babae. Pakiramdam ko mas astig ang ganon. Mas may arrive. Kahit hanggang ngayon gustong gusto ko tignan ang taong kaliwete masulat. Hehe..napakatalino tignan. Parang karespe-respeto. Parang lang sabi ko. Kaya nagpraktis din akong magsulat sa kaliwa kong kamay.

Hindi pala lahat ng pinaniniwalaan natin ay tama. Kung minsan ay isinasara natin ang ating sa sarili sa mga paniniwalang katulad ng ganito kung kaya hindi nakikita at naaapreciate ang kagandahan ng iba pang bagay. ('sus..emo-emohan na naman) Pangit din pala na ilagay lang natin ang sarili natin sa parang isang kahon.

At eto ang ilan sa mga sikat na kaliwete:

  • Brad Pitt

  • Tom Cruise

  • Bill Clinton

  • Osama Bin Laden

  • Fidel Castro

  • Jim Carey

  • More...

Okay ang kaliwete, 'wag lang nangangaliwa.




Read more...

Saturday, April 19, 2008

friendship CHAIN

May tag ako galing kay Janj. Kaya eto para 'di maputol ang chain. Totyal ang taytol.

~~Begin Copy~~


This is the easy way and the fastest way to :

1. Make your Authority Technorati explode.

2. Increase your Google Page Rank.

3. Get more traffic to your blog.

4. Makes more new friends.

Rules :

1. Start copy from “Begin Copy” until “End Copy” to your blog(for bloggers paste on the “compose” not the “edit html” part in posting blogs so it will be linked automatically).

2. Put your own blog name and link.

3. Tag your friends as much as you can, the more the better!


1. Picturing of Life2. Juliana’s Site3.Hazel-My Life, My Hope, My Future.4.Jeanne-The Callalily Space5.Starz in De Sky6. My Charmed Life7.Denz Techtronics8.Denz Recreational9.Life’s Simple Pleasures10. My Blog11. Because Life is Fun12. In This Game of Life13.Scribbles of my Life14.Changing Lanes 15. anna 16. joytoy 17.Surviving deployment18. The Deviant19. All I want is Everything20. Shadows of love, fate and destiny21.Tasteful Voyage22.A mom’s note23. Bittersweet Collide24.Jackie Simplypinay25.Jackie’s Everydy Life26.Parisukat27.Photographs and Memoirs28.Undecided2129.In-Depth Review30.ExtremeComments31. Traveler's Guide 10132. Comments10133. Spin101:My Stories34.Intoxicated Thoughts

YOU’RE NEXT~~ END COPY~~


arden para din sa'yo to.


Read more...

Wednesday, April 16, 2008

BARYA


Mahilig akong mag-ipon ng mga barya. Iyong mga tipo na nakakadyahe ipambayad sa tindahan kasi matagal bilangin. Pero hindi ko naman inilalagay sa alkansya. Masama daw kasi sabi ng isang pamahiin -- palagi daw magkakasakit lalo na kung sa piggy bank inilalagay. Hindi ko rin kasi ugali ang magdala ng coin purse kaya kapag nasa bulsa lang nakalagay ay nagkakalansingan. Masyado tuloy halata na may pera ako -- barya nga lang.

Kadalasan, deadma ang barya sa akin. Lalo na yong mga 5 at 10 cents at 1/2 francs. Masyado kasing maliit. Minabuti ko na lang na ipunin sila sa isang garapon at nangalahati na ito. Sa katunayan, hindi ito ang una kong pag-ipon ng barya. Mga apat na buwan na rin siguro ang nakalipas, nakabili ako ng razor sa buhok dahil sa naipon kung 5 at 10 cents. Kaya hindi ko pinapalagpas kapag may nakita akong barya kahit sa kalsada. Sabi nga, 'di daw mabubuo ang piso kung walang 5 sentimo.

Parang barya din ang buhay ko. Akala ko wala akong silbi, laging nadideadma, lagi na lang ikinakalat at walang mag-aatubiling lingunin at busisiin kung ano ako. Laging second choice. Para akong barya na kupas na ang kulay dahil sa kalumaan. Walang kinang. Sikapin ko mang magpakinang ay laging may nakakasapaw. Nakakasakit na kung minsan. Parang singaw. At akala ko laging ganoon. Mali pala ang akala ko. Laging mali...


Minsan ko ding pinangarap na magkapamilya. 'Yong maging tatay ako. 'Yong may asawang magmamahal at mag-aasikaso sa akin. 'Yong kahit ganito ako ay may pag-aalayan ako at may makakapag-appreciate ng kung ano ang ginagawa. At 'di naman ito ipinagkait sa akin ni Papa Lord. Mainam talaga ang nagpapakabait lalo na kung pangit ka lang din, mas pinapaboran ng langit. Haha...


Dahil sa pamilya ko, mas nagkaroon ako ng purpose. Dito, sa puntong ito ng buhay ko napagtanto na barya man kung ituring ko ang sarili ko ay mahalaga din. Sila ang dahilan kung bakit kahit wala akong kinang ay unti-unting napapansin. Sa kanila ko iaalay ang kung anuman ang bunga ng aking ginagawa at umaasang maapreciate din nila ito. Pero kung minsan, may mga nangyayaring hindi mo inaasahan. Minsan, masisinghalan ka na lang dahil sa lakas ng paggamit mo ng tubig, sa hindi nakaayos na damit sa cupboard, sa tsokolate, sa boxer na nakakalat, sa balbas at bigote, sa pagsasapatos sa sala at kung minsan ay sa pag-aakalang ako ay nanininghal. Ang mas matindi pa nito ay kung may pinagseselosan. Por Dyos, por Santo. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawaging hormonal imbalance ang ganyang pakiramdam ng mga babae o talagang kakambal na yon ng pagiging babae nila. Bakit ba kasi nagseselos? Kelan ba dapat magselos? Ako tuloy ay laging natataranta lalo na kapag kasama ko asawa. Titingin ba ako. Okay lang ba lumingon? Kakausapin ko ba? Hindi ko alam. Kaya smile na lang. Ayon lalong nagselos. Hayy...


Siguro talagang barya ako. Akala ko lang na second choice lang ako, na walang ako halaga pero sadyang napakahalaga ko pala lalo na sa pamilya ko. Ayaw din siguro nila akong mawala sa kanila. Hindi sila buo kapag wala ako. At hindi basta basta pinakakawalan ang isang napakahalagang bagay kasi saka mo malalaman ang silbi nito kapag wala na ito. Ganon din ako sa kanila. Alam kong mahirap pero kaya ko ito. Isinusumpa ko ito sa sore eyes ko....nahawaan ako ng mag-ina ko at sana gumaling na. Kaya pakiusap.....




"barya lang po sa umaga."







Read more...

Friday, April 11, 2008

BOTHERED

Naranasan mo na bang maglakad dahil kulang lang ng piso ang pamasahe mo pero kinakailangang andon ka sa pupuntahan mo? O di kaya sa halip na siopao e maliit na balot na lang ng mani ang meryenda mo at wala ng pantulak dahil kulang lang ng piso ang pera mo at wala kang choice kasi nanlalabo na ang mata mo at nanginginig ka na sa gutom? Naranasan mo din ba na biglang mapatigil sa kalagitnaan ng kalye habang ikaw ay naglalakad at bigla na lang ay kakapa at dukutin lahat ng bulsa pati pitaka sa pag-asang me mahanap ka na barya para makabuo lamang ng sampung piso? Hmmm...walang lang, napatanong lang ako.

Tatlong araw ng walang tigil ang ulan, ulan na binabae, 'di ulang bakla (wala pa atang ganon), yong tipong 'di naman malakas pero 'yong tipong di titigil. Parang bang magdadalawang-isip ka na magdadala ka ng payong o hindi, kung magjajacket ka ng makapal o manipis lang. Ang hirap magdesisyon kasi nga walang kasiguraduhan. Tuloy pa rin ang trabaho, may ulan o wala, may snow man o wala. Pangangailangan ang tumatatawag at para na rin sa mga kamag-anak sa Pilipinas -- para pambili ng bigas.

Eksakto lang na nakatapos akong magtrabaho ng magsimulang pumatak ang snow. Sa simula, parang rock salt itong itinapon galing sa langit pero ng lumaon e parang mga nagliliparang bulak na sila. Nakakapagtaka. Snowing in spring? Magtatanghalian na non kaya dama ko na parang nagti-tennis na ang aking mga alaga sa tyan pero kaya ko pang tiisin. Ubos na din ang baon kong tubig. Habang nasa bus, inisip kong dumaan na lang sa McDo. Tamang tama kasi malamig. Kaya tsinek ko ang wallet ko kung magkano ang dala kong pera. Wala..wala..wala akong pera, kahit barya, wala talaga. Wala ring laman ang bulsa ko. Sa stress ko, mas lalo kong naramdaman ang gutom. May nakapa ang kamay ko sa maliit na bulsa ng bag ko -- 2 francs. Hindi nito maisasalba ang lunch ko, kulang ito kahit sa kape. Tuloy pa rin ang snow, mas lalong malaks na ngayon. Napadaan ako sa isang tindahan. Tama kasya itong pang-tsokolate, may sukli pa ako. Mairaraos ko din tong tanghalian na to. Ibubuka ko na lang ang bibig ko para sahurin ang nahuhulog na mga snow para pantulak.


Pumwesto sa ako sa pinakagilid ng shed para kainin ang lunch ko. Nasa kalagitnaan na ako ng may babaeng papalapit sa akin. Nasa tamang edad lang sya. Nakatingin sa akin. Umandar ang pagkapraning ko. Ewan ko kung dahil sa gutom. Nakatingin pa rin sya sa akin at papalapit. Hala...me gusto ba 'to sa akin? Ako ba o ang tsokolate ko ang kursunada nito? Hindi pa ako busog. Sa mga oras na iyon hindi ako kristyano. Hindi ko sya bibigyan kung manghingi man sya. Kulang pa nga ito. Sabay subo lahat. Wheww...yon pala magtatanong lang ng oras. "Hello manang, may orasan kaya d'yan sa screen ng schedule ng bus?"

Bakit kaya kung minsan ganyan? May mga panahon na kung kelan walang wala rin tayo e tsaka may mangangailangan sa atin. Nais mo ring magbigay pero wala ikaw nga rin ay wala. Nakakakonsensya kung minsan. Paano kaya kung ang babaeng lumapit sa akin ay talagang manghingi ng tsokolate ko. Paano kung totoong mas gutom pa sya kesa sa akin. Paano din kung kami ay nagkapalit ng kalagayan. Paano kaya? Buti na lang hindi ganon ang sitwasyon. Saka na lang ako mag-isip kung ito man ay magkatotoo. Saka na lang....




Read more...

Sunday, April 06, 2008

TIME


Masama ang sense of time ko. Pangit man pakinggan pero kailangan kong aminin. Kadalasan akong dumadating ng hindi tama sa oras at sa mga ganitong pagkakataon ay hindi rin ako nauubusan ng dahilan kung bakit. Kesyo naglakad lang ako, kesyo walang masakyan at kung anu-ano pang paek-ek at pagpapacute ang gagawin para lang maiba ang usapan. Ewan ko kung naku-convince naman ang kausap ko sa mga pautot ko na 'to.

Dati 'yon. Noong nasa Maynila pa lang ako at nagtatrabaho dala-dala ko pa din ang ganitong attitude kaya kailangan kong magkaroon ng kaclose para merong magtatakip sa tardiness ko. Ewan kung nakikiayon lang sa akin ang swerte kasi ako ang pinahawak ng DTR na mga empleyado at ang napasukan kong opisina e walang bandy clock. Unlike sa mga dati kong pinapasukan na para na akong maihi na sinasabayan pa ng malakas na kabog ng dibdib sa stress kapag naiipit sa trapik at naiisip na hindi ako makapagpunch sa oras. Parusa talaga. Kasi nga mahirap gumising ng maaga.

Sa San Juan ako nakatira at sa Timog lang din naman ang opisina namin. Alas 9 ang pasok ko kaya alas 9 din ako nagigising kaya malimit na on the go na lang ang breakfast pero kung minsan nakakaya ko pang dumaan sa Jolibee sa Araneta. Pagdating sa opisina, itatago ko muna ang backpack (backpack adik ako) ko sa likod ng pintuan at pasipol sipol na papasok sa room namin at kapag pinansin na kung bakit late ako sabay react na "Kanina pa ako, nasa warehouse lang."

Lagi din akong may deadline at laging kung kelan deadline saka ako mag-aapuhap ng mga data para sa mga reports. Pero syempre naman, pinipilit ko naman ang sarili kong maging propesyunal lalo na pagdating sa oras. Kaya nag-adjust ako ng lifestyle. Bawas gimik na kadalasan wala. Bawas puyat. Bawas sa sex life. At nagkaron naman ito ng magandang bunga kaya minsan ko na ring pinuri ang sarili ko dahil nagawa ko ring magbago kahit slight lang.



In honor of the watch industry, Geneva has a famous clock made from over 6,500 flowers. The Flower Clock is located at the edge of the Jardin Anglais (English Garden) and has been there since 1955.



Ngayon, mas lalo akong natuto. Hindi lang dahil nandito ako sa Suisse. Oo, hindi lang kilala ang Suisse sa chocolates at cheese. Mas lalo silang kilala sa mga relo. Sabi nga nila "Switzerland is associated with three Cs -- chocolates, cheese and CLOCKS." Nasa angkan ng mga Swiso ang mga kilalang watchmakers. Kaya dapat lang din na magkaroon sila ng repuatasyon sa pagiging on time -- bus, train, tram -- lahat dumadating at umaalis sa oras kaya hindi pwede ang babagal-bagal kung ayaw mong magkaletse-letse ang maghapon mo. Chain reaction kumbaga, at maraming beses na rin akong nakaranas ng ganito. Maraming beses na rin akong nakikipaghabulan at nakikipagpatintero para lang hindi mahuli sa pagpasok. At dahil sa ganitong mga pagkakataon, natuto ako mag-adjust kaya ngayon 'di lamang sa oras kundi pati na rin sa kalidad ng trabaho.


Sana ganito rin tayong mga Pilipino. Alam kong hindi maganda ang nagkukumpara kasi wala namang point of comparison. Alam kong magrereact ka na bumabasa nito pero ang sa akin lang e opinyon ko 'yon. Sana ay magkaroon din tayo ng tamang pagpapahalaga lalo na sa oras. Malaking bagay na din ang maitutulong non para sa ating pag-angat.

Sana...sana...


Read more...

Thursday, April 03, 2008

my COKE side of LIFE


I love Coke. Ewan ko kung bakit. Ang sabi sa akin ng nanay ko, lahat daw kami ay pinalaki niya sa pamamagitan ng kanyang natural na gatas at never n'ya kami pinatikim ng ganitong inumin habang meron pa kaming milk teeth as in, never -- jamais. E paano, coke ng mga panahong iyon e kasosyalan na sa amin at nakakatikim lamang kapag me KBL (kasal, binyag libing). Ah, kapag pyesta pa pala. See, luging lugi sa amin ang sopdringks. At isa pa kasi, di naman Coke pinapainom at binibigay sa amin kapag kami ay maysakit -- Royal Tru-Orange at Skyflakes. Bakit kaya ganon? Gumagaling kami kaagad. Kaya gustong-gusto ko noon ang nagkakasakit.

Ganyan kami noon. Palibhasa, namulat sa hindi marangyang buhay, kuntento na kami sa simpleng tubig lang galing sa poso namin. At lumaki naman kami. Pero nang marunong ng mag-explore sa buhay, at lahat ng pwedeng subukan ay sinusubukan, aba'y naging parte na ng buhay ko mala-binong kulay na inuming ito. Parang cellphone. Ayaw ng nahihiwalay sa katawan at pakiramdam ko ay di-kumpleto ang maghapon kapag hindi nakainom nito. Adik. Sugapa. Ganyan nga!

Nagsimula sa maliit na bote, naging kalahating litro, naging isang litro ang pangangailangan ko sa kanya sa loob ng isang araw. Di ko na sinubukan ang super size nito. Biglang may himalang nangyari na magpaparamdam sa akin na "sobra na, tama na, mag-in can ka na lang." Hehe..!

Tumaas ang acid ko sa katawan. 'Di ko lang alam kung anong klaseng acid 'yon. Basta nararamdaman ko na lang lalo na sa umaga. Ang hapdi ng sikmura at nagsusuka. Pramis, 'di ako buntis. May kasabay pang paglalaway. Ang takot ko, 'di kaya nauulol ako. Kahit 'di pa naman kabilugan ng buwan e ganon ang nararamdaman ko (aswang daw kasi taga-Antique,kaya 'wag kayong magkakamali d'yan). At nakumpirma ko ito ng magpasuri ako ng dugo, sabi tuloy sa akin ng medtech, "Madalas ka bang gumamit ng babae?" Huwaat?! Tumataas din pala ang acid level ng tao kapag oversex? Kasi laging nilalabasan, ganon daw. Ewan kung anong paliwanag talaga. Kaya medyo iniwas-iwasan ko na din si Mariang Palad. Hahaha....!

Napanood ko one time ang "Supersize Me", at biglang nangamba din ako sa katotohanang nalaman ko. Ang amount ng sugar na meron ang softdrinks (di lang Coke) at ang posibleng mangyari din sa akin. Natinag ako pero pansamantala lang, balik na naman sa dati pagkalipas ng ilang araw. Meron kami history ng diabetes, heart problem ek..ek..at kung anu-ano pang sosyal na karamdaman. Kaya unti-unti akong nagbago. Unti-unting nagbabawas ng amount ng softdrinks at kung dati araw-araw meron nito ngayon e, every other week na lang. May improvement din. Sanayan lang pala. Sana tuloy tuloy na matanggal.

Iba na ang "motto" (slum book style) ko sa buhay ngayon. "Family First."




Read more...