Kaya talagang may all caps para maemphasize. Pero 'yaan nyo munang magkwento ako. Nag-i-effort ako kaya sana basahin n'yo naman.
I feel like a grilled sausage everyday. Kung ang Pilipinas ay 'di nakaligtas sa bawat hagupit ni Frank, kami naman dito sa Suisse ay parang dinadaing. Ang init ng panahaon. Pati singit ko kumakatas ng pawis. Kung pwede lang sana mag-underwear habang nagtatrabaho (unethical naman kung nakahubo) ay gagawin ko. Mistulang Pilipinas na rin ito kung tag-init. Nakakaulol! Nakakatamad! Nakakagutom!
Dumudugo ang ilong ko sa sobrang init as in literal na dumudugo. Hindi ko na makakayanan ang ganito to think na nagsisimula pa lang ang summer. Kaya kanina, sugod ako sa malapit na shop para bumili ng aircon. Ayaw ko nang magpakastress sa pagpaypay at magpaaway sa misis ko dahil sa electric fan. Gustong gusto ko kasi na nakasteady sa aking ang bentilador.
Kung matinding baha, malakas na ulan at hangin ang dala ni Frank sa Pilipinas, there's a possibility naman na magkakaheatwave this season sa Suisse kaya kawawa na naman nito ang mga olds at mga bata. Compared last year, mas matindi ang summer this year. Parang napupunit ang balat mo pag natamaan ng araw especially kapag nasa peak hours. Ang arte ano? Pero totoo.
Pero kung gaano kainit ang panahon, ganon naman kainit ang mga tao. Hindi alintana ang init, abala ang lahat sa kapaparoo't parito para ibilad ang katawan under the heat of the scorching sun. Tama ba Ingles ko? Laganap ang mga magagandang tanawin. Pabor sa maraming mga naglipanang manyakis. Oo, uso yan ngayon. Maliban d'yan, kaabang-abang ang mangyyaring finals ng EUROFOOT sa Linggo.
Kaya tuloy, malamang, natutuliro na din si Papa GOD sa mga tao. Kapag malamig naghahanap ng mainit. Kapag naand'yan na ang init, hahanap ng malamig. Pero eto 'yon e. Eto ang best time para sa lahat ng mga dapat gawin. Masaya talaga 'pag summer. Nakakataba!
****
Ang susunod na inyong mababasa ay bunga lamang ng walang magawang kaisipan ng may-akda. Salamat sa pang-unawa.
Eto na 'yon. Pansin ko lang, lumalawak na ang blogosphere. Parang nagiging oblate na ito. Marami na ang nangarir sa pagiging blogista. Kahit saang bahagi ng mundo pa man parang, kaharap mo lang sya. Marami ako nakitang blog na ang haba ng blogroll. Daig pa ang listahan ng utang sa tindahan. Ako nga mga sobra 15 siguro and counting..naks! At balita ko din, merong mga time na nagkakasama ang ilan sa mga blogista para sa isang EB, party-han, gimikan at kung ano pang purpose.
Naisip ko lang, maganda rin siguro kung magkakaroon din ng something purpose ang pagiging blogger aside from pagsusulat ng sari-saring emosyon, details sa buhay-buhay. Iyong makakapagreach out tayo sa kapwa. Diverse naman ata ang mga bloggers, merong nurse, engineer, doctor, titser, writer, estudyante, palaboy, bakla, tomboy, driver, entertainer at siguro GRO. Siguro naman, in the name of blogging, pwedeng magkaisa. At since nagkikita naman, pwede rin namang sigurong magyayaan para gumawa ng halimbawa civic actions, outreach programs, environmental related activities. Nag-eenjoy ka na, nakatulong ka pa and it's a worthy experience.
Naisip ko lang. Baka pwede na rin.
Read more...