Demo Site

Thursday, July 31, 2008

wala ako sa MOOD

Hindi ako perpektong tao.

Sana kung ganoon nga kalevel ko na si GOD. Pero ilusyon lang 'yon. Ayokong maging perpekto, ayoko kong maging GOD. Sobrang busy kaya maging ganon. Ayoko ko ng komplikadong buhay. Ayoko ng magulo. Di ko sinasabing magulo si GOD.

Pero sa buhay, madalas kung minsan ang, kahit anong pilit mong ilayo ang sarili mo sa isang magulong sitwasyon lalo kang itinutulak ng pagkakataon palapit dito. Pinipilit nating maging isang mabuting tao sana pero hindi maiiwasang makabangga mo ang iba na taliwas ang paniniwala at kuang anumang panuntunan sa buhay meron kaya nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan. Kung sarili mo lang sana ang mundo, walang makikialam, wala kang pakikibagayan. Pero paano naman kaya 'yon? Hindi na social animal ang magiging definition ng tao.

Meron akong isang alam sa buhay na malaki ang epekto nito sa araw araw na nabubuhay ako. Eto rin siguro ang dahilan kung bakit tingin ng iba ay masayahin akong tao at minsan, nagiging sanhi din ng pagiging makasarili ko at 'yong happy-go-lucky-attitude meets one-day-millionaire. Lagi ko itong nasasaisip.

"Ang buhay ay simple lamang, ang tao lang ang gumagawang komplikado. "

Malaki ang naging impluwensya ng panuntunang ito sa akin. Ito rin marahil ang nagdala sa akin sa sitwasyong kinasasangkutan ko ngayon. Sabi ng iba, life is a matter of choice. Depende sa kung ano ang pinili mo ang magiging buhay mo. E, ano ang destiny? A-uh..gumugulo na.

Minsan, natigil din akong mangarap at iniisip na lang na makontento ako sa kung ano ang magiging meron. Kahit wala ng ganito, walang ganyan, basta ang importante masaya. Simple lang naman ang buhay. Hindi naman daw lahat ng mga materyal na bagay ay makapagbigay ng tunay na kaligayahan. Materyal lang 'yon -- nawawala, naluluma. Sabi nga ng tatay ko, 'yaan na natin yan, di naman nila yan madadala sa kabilang buhay. Ambait ng tatay ko.

Paano ba talaga ang maging masaya? Meron bang point talaga sa buhay ng tao na pwedeng marating at kapag naabot mo na 'yon, you will be ultimately happy? Sa anong stage kaya? To think na pababa na ng pababa ang life span ng ordinaryong Pinoy, may pag-asa ba kayang maabot yon? Anu-ano ba ang mga dapat pagdaanan? Kung sana ganon nga ang tamang kaligayahan -- hindi s'ya abstract. 'Yon bang pwede mong mabili o mahiram o manakaw o matrade-in, sana lahat meron ng collection ng kaligayahan.

Simple lamang ang buhay. Ang mga unlimited wants at paglimot sa mga needs ang isa ring dahilan kung bakit masyado ko ring pinapahirapan ang sarili ko. Kung minsan 'di ko na din kasi alam kung need ba o want ang isang bagay -- na madalas mangyari. Basta I want it just for the sake of having it. Naalala ko pa nag isang katrabaho ko dati. Her main goal kung bakit sya naging service crew is to earn to buy the Nokia 3250 and it makes someone "sosyal" that time. 'Yong magkaroon nga lang ng Nokia 5110 ay kaastigan na. Kaya daw sa every punas na ginagawa niya sa mesa, sa bawat ligpit niya ng pinagkainan ng kustomer, iniisip niya, "celfone 'to, celfone 'to." 'Di ko alam kung nabili nga nya kasi nauna akong nag-endo sa kanya pero na-impress ako sa kanya. At least meron s'yang motivating factor para magtrabaho at iyon ay para sa kanyang sariling kaligayahan, walang ibang responsibilidad, walang umaasa sa kanya. I also want to have this attitude 'yong for personal upliftment lang ang iisipin ko pero 'pag ginawa ko to, maraming magsasabing ang sama sama kong tatay, asawa at anak.

Hindi ako emo, wala lang ako sa mood. Masama lang talaga ang loob ko nitong nakaraang araw dahil lamang sinabihan akong "wala ako sa mood." O ha! Parang sex life ano. Wala sa mood, bakit? Then there was silence . . . . . . . . . . . . . !

Wala akong nagawa kundi pagbigyan ang emosyon ko. Tao lang din ako kaya at di ko maiwasang di magtampo. Never kong iniisip na sisihin ang sitwasyon ko ngayon kasi dito ako masaya. Natural lang daw yon. Normal lang daw at ang ibig sabihin daw n'yan -- MARRIED LIFE!



Read more...

Sunday, July 27, 2008

what's wrong with FARTING?


Nanonood kami ng PDA last week, 'yong episode kung saan ilang beses na umariba ang sirang tyan ni Bugoy. Naisip ko tuloy bigla ang sarili kong karanasan sa ututan.

Iba't ibang reaksiyon meron sa ganitong sitwasyon. Depende sa okasyon at depende sa kung sinu-sino ang naroroon. Kadalasan inis sa taga-amoy at pigil na tawa na may halong hiya naman sa guilty. Bakit kaya ganoon? Nakikiamoy na nga lang sila galit pa? Di na lang nila lunukin e wala namang tinik 'yon. Mas mahirap kaya ang umutot.


Bakit nga ba nauutot ang isang tao? Bakit lahat ng utot mabaho?


Ayon sa isang source, ang UTOT daw ay kombinasyon ng mga hangin (nitrogen, carbon dioxide, oxygen, methane at hydrogen sulfide) mula sa tiyan ng tao papunta sa anus. Nangyayari daw ito kapag ang isang tao ang nasobrahan ng hangin o di kaya ay kumain ng sobrang pagkain na hindi kayang tunawin ng tiyan kaagad kaya nakukulong ang hangin sa tiyan at walang ibang choice kundi ang lumabas ito sa wet-paks.


Kaya daw daw mabaho ang utot dahil sa hydrogen sulfide na naglalaman ng sulfur na nagiging sanhi ng mabahong amoy. Mas maraming sulfur sa pagkain, mas mabaho ang utot at ilan sa mga pagkaing ito ay repolyo, beans, keso, soda at itlog.


At ito pa, flatus o flatulence ang scientific name ng utot.


At ito pa uli:


Did you know?



  • On the average, a healthy person farts 16 times a day.

  • Hey guys, don't be fooled by girls who never told you that they never fart. Everyone farts, including girls, In fact, females fart in as much as males.

  • Animals fart too -- cats, dogs and cows. Elephants fart the most.

  • People fart most in their sleep.

  • Farts that contain large amount of methane and hydrogen can be flammable.


Di ko mapigilang tumawa sa natutunan ko ngayon. Madalas kami mag-away ni misis dahil sa utot lang. Ngayon ko napatunayan na mas mabaho ang utot ng mga babae kesa mga lalaki. Bahala na ang magreact, opinyon ko yan. Paano kasi sobrang sensitibo ng tyan ng asawa ko lalo na kapag hindi nya trip ang pagkain, ang daling masira tapos unconsciously, nagbubuga ng masamang hangin.


Alam ko nam dahil sa karanasan ko sa utot, hindi ako makakalimutan ng mga kaklase ko noong first year high school pa lang.


" A, si kwan...'yong umutot?"


Departmental exam kasi noon. (Di ko alam kung bakit ganon ang tawag sa exam na 'yon) Panghapon ang shcedule namin. Hiwalay ang kwarto ng mga lalaki sa mga babae. Bago magsimula ang pagsusulit, kabilin-bilinan ng nanay ko na huwag kumain ng itlog pero pwedeng kumain ng mani. Pampatalino daw ang mani kahit alam kong 'di ko na kailangan 'yon, kasi pwede naman akong mangopya. Kaya, inubos ko baon kung 5 pesos para bumili ng piniritong mani. Sobrang confident ako kahit ako star kid. Medyo may kahirapan ang eksam. Basta Math mahirap sa akin 'yon. Nakatingala ako sa kisame na para bang hinahanap ko don ang kasagutan pero hinihilo ang paningin ko nga isang butiki. Di ko pa rin maalala ang tamang sagot. Tingin sa kanan, sa kaliwa, tingala uli. At ayon, biglang parang naapakan ko ang pato.


"Purrrrttt..t.t..tt.ttttt!"


Okey sana kung maigsi lang pero 'yong tipo talaga na parang warning bell sa haba at parang may mikropon sa puwet ko at abot hanggang row 7 ang tunog. Syempre, in denial ako. Hindi, hindi ako yon. Pero pulang-pula na ang mukha ko sa hiya. Lahat ba naman kasi ng kaklase ko humahalakhak at syempre all eyes ako. Letseng mani 'yan. Pero di pa din ako nagpaapekto ang tinapos ko ang pagsusulit saka nauna akong umuwi. At syempre, hanggang ngayon yan, di makakalimutan ng mga "may ugali kong kaklase."


Wala namang masama pag umutot. Ganyan ang tinging ng mga Swiso dito. Mas okey pa daw ang umutot kesa magburp. Kapag nagburp ka daw kasi, you just bring the pig in you ang tingin nila at mas bastos ka kesa sa umutot. Natural phenomenon daw kasi 'ikanga ang utot at nasa manners naman daw ang burping. Kaya never kang gumighay kapag Swiso ang kaharap mo para bang 'wag kang kakain sa kaliwang kamay mo kung Arabo ang kaharap mo.


Sabi nila, di daw dapat ma-insecure ang mga mahirap sa mayaman, kasi pagsamasamahin man daw sila ay walang ipinagkaiba sa amoy ng utot nila -- parehong mabaho.


Pero sana siguraduhin mo lang na walang ibang makakaamoy kundi ikaw lang.


Ayan na nauutot na ako.



*****



PS



Natuwa naman ako. Umakyat na sa PR2 ang Page Rank ko. Sobrang salamat sa lahat ng bumibisita sa bahay ko.


Read more...

Tuesday, July 22, 2008

matterHORN

Ito ang makikita sa official logo ng isang sikat na brand ng chocolate at minsan naman sa isang brand ng relo. Isa rin itong "finalist" sa 8th wonder of the world. Ang lugar sa Switzerland kung saan meron pa ring snow kahit summer -- sikat at cool na cool para sa mga skiers. 'Yan ang Matterhorn.




Isang panibagong adventure ito para sa akin na mapasama para makita ang ipinagmamalaking ng Switzerland. Sulit ang pagkagising namin ng maaga para makita itong magnific at majestic na bundok. Makikita ito sa range ng Pennine Alps na naghahati between Switzerland at Italy na man taas na 4478 meters (14, 692 ft.)



Nakakalula ang daan kahit papalapit pa lang kami ng Zermatt. Matatarik na bangin ang dinadaanan ng bus at kinakailangan ding magtrain para maranating ang sentro ng village ng Zermatt. May kalamigan nag hangin kahit summer. Sa sentro ng Zermatt, walang public transport, kaya ideal din talaga ang lugar na ito sa mahilig maghiking. Kalesa ang isang transportasyon nila pero syempre may kamahalan na at kung may sasakyan naman e may mga solar panel sa bubong kaya walang polusyon. At ang mga bahay, mga chalet ang nakapaligid. Sosyal ka pag meron na nito.


(sentro ng Zermatt)

Ang tuktok ng Matterhorn ay tanaw na tanaw mula sa sentro ng kabihasnan pero di ako papaawat. Gusto ko makita ito in closer view kaya kahit may kamahalan (wala naman kayang mura dito) kumuha ako ng isang tiket (isa lang kasi di pwede sumama ang anak ko kaya pati asawa ko nagpaiwan) para sa cable car ride. Nakakamangha. Mapapa-wow ka ta sa makikita mo sa cable car pa lang. Eto na lang, may mga kuha pala ako.

(nakadalawang lipat ako ng cable car)



(Zermatt Village)

(cloudy kasi kaya di kita ang buong Mattehorn)


(forever ang snow dito)


(ang mamang ito pinagtitinginan ng mga tao dito kasi kapal ng mukha, sya lang ang nakaganyang suot at napeke ang ginaw ng paligid at natunaw ang bawat niyebe na madadaanan nya)

Butas man ang bulsa at pagod man ang katawan pagkatapos ng byahe, sulit naman ang naging karanasan. Ganunpaman, ilang beses ko mang makita ang kaharian ng Matterhorn, lagi ko pa ring mamimiss ang burol sa paanan ng bundok kung saan ko pinapastol ang kalabaw namin.


Itutuloy....






Read more...

Friday, July 18, 2008

meron pa akong KWENTO

Sobrang nakakahiya.

Pasensya na sa sandamukal na mga pakialamero at tsismosa't tsismoso na nagawi sa lungga ko kahit parang brown-out at abandonado na ito. Nandito lang naman ako pero talagang kulang talaga ang oras ko para mag-update ng blog ko kaya sa abot ng aking makakaya at isasakripisyo ko pa ang sex life ko para makagawa ng entry na ito. Pauna ko na, sa inyong lahat, sobrang salamat.



Sa totoo lang kasi, medyo mabigat ang pasok na buwan ng Hulyo sa akin. Mabigat, in the sense that, kailangan kong gumawa ng mga desisyon na alam kong makakaapekto sa isa pa. Kaya kailangan ng tamang pagmumuni muni at lakas ng loob para gawin ang mga bagay bagay. Sa wakas, kasi, napuno ang isang buong linggo ko ng trabaho. Ibig sabihin milyonaryo na uli ako. Oo at sana ganon lang kadali 'yon. Pero hanggang salita ko lang ang pagiging milyonaryo. Kaya tuloy, masyadong gamit na ang matipuno kong katawan at unti-unti ko ng nabibilang ang natitirang buhok ko sa bunbunan. Hirap talaga ng buhay. Sa eto ang hinahanap ko, e di eto ang ibinigay pero ayos lang.


At dahil na rin sa di, maintindihang panahon kung minsan dito, maiinit tapos biglang uulan at the next day pagkagising mo malamig, parang nilalamukos ang laman ng ilong ko. Hindi ko alam kung bakit pero may mga time na hindi ako komportable at salamat talaga sa super concerned kong asawa -- kinunan n'ya ako ng appointment sa isang EENT. Sana nga lang 'di masyadong seryoso kunga anuman 'to.


Araw-araw ko ding napapanood ang mga balita sa Pilipinas sa tulong ng pinoychannel.tv. Balita na kung minsan ay pare-pareho ang sinasabi -- ang walang kamatayang pagtaas ng gasolina, pamasahe, bilihin -- at ang klasikong walang dagdag sa sweldo. Pero ganunpaman, nakakamiss din ang Pilipinas.


At syanga pala, pagkalipas ng ilang araw na pag-i-ensayo at pagkaroon ng mga galos dahil sa pagkakadapa, pananakit ng paa at beywang, nagbunga na rin ang determinasyon kong matutong magrollerblades. Sa tulong ng expertvillage.com, nakakuha akong online guide para sa mga beginner na gustong matuto. 'Langhiya, I'm a beginner.


And finally, naikabit na uli ang pustiso ko. Ibig sabihin, dyeta na naman ito kasi bawal kumain ng matigas, bawal muna inguya. Utang na loob, di ko kaya ang puro sabaw at lugaw. Epektib palang magpapayat ang pagkakaroon ng dentures lalo na kapag bagong kabit.


Sa mga nagtag pala sa akin, pasensya talaga kung di ko pa nagagawa. Pero, paisa-isa matatapos ko yon.


Salamat kaibigan!







Read more...

Wednesday, July 09, 2008

meron akong KWENTO

Sa mga malimit bumalik dito sa haybol ko, sobrang salamat sa inyong lahat. Pasensya na kung natagalan bago muli ako nakapag-update medyo occupied lang ako this week at dahil don masarap nang magpahinga pagdating ng bahay kinagabihan.


Pero dito na uli ako at meron lang akong ibabalita.


  1. Since summer is at peak na, kaliwa't kanan na namn ang imbitasyon namin para sa mga piknikan. Kaya magwawala-walaan na naman kami sa weekend.


  2. Nahirapan pa din akong makontak ang pamilya ko sa Bisaya. Wala pa ring matino na signal pero sa awa naman ng Diyon ay hindi naman sila masyadong nasalanta ni Frank unlike sa Kalibo. Eto pala, alam kong medyo ayaw ipaalam ng kaibigan ko ito. Sa mga sumusubaybay pala sa blog ng kaibigan kong si Abou, nais kong iparating na kaya sya super hiatus ay dahil walang kuryente at internet connection magpahanggang ngayon sa kanila sa Kalibo. At hanggang ngayon pa din ay lubog pa din sa putik ang lugar nila at hirap malinis kasi, wala ding supply ng tubig sa kanila. Pero in time, malupit syang magbabalik.


  3. Akala ko biro lang n'ya. Pero kahapon natanggap ko ang snail mail na sinasabi ni ayz sa plurk. 'Di ko na ididetalye ang laman ng sulat nya pero isa lang ang masasabi ko, "Ayz, wala kang hilig magkwento."



  4. Meron akong bagong pinagkakaabalahan ngayon. Gustong gusto ko kasing matutuong mag-ice skating. Kahit noong nasa Maynila ako lagi akong nakatambay malapit sa skating rink sa Megamall. Inggit na inggit ako sa mga marunong mag-skate. Kaya gusto kong matuto pero this time, kahit feeling ng iba ay ang tanda ko na para dito di bale na. Eto ang pinagkakaabalahan ko ngayon.



  5. Finally, nagpasya na ako pagkatapos ng tatlong taon na pagkakasama namin na iwanan na sya. Nakakapanhinayang man at masakit sa loob ko pero kailangan kong magpakatotoo sa sarili ko at siguradong mamimiss ko s'ya.






'Yon lang!






Read more...

Thursday, July 03, 2008

KALYO

Meron ka ba nito?

Eto ang pambungad kong tanong sa inyo sa buwan ng Hulyo. Matapos ang ilang araw na rin na pagsubaybay sa mga kaganapan sa Pilipinas, sa pinsala na dala ng bagyong Frank (ang sosyal ng pangalan, tunog matanda), hanggang sa pagkapanalo ni Pacman, di ko pa rin maiiwasan ang makadama ng awa at maisip ang mga naiwang pamilya ko sa Pilipinas. Kelan kaya lahat ito matatapos? O may katapusan kaya ito? Buti na lang on the lighter side e, naandyan si Bugoy ng Pinoy Dream Academy. Kahit papano e may pambawi ang mga balita.


At ano naman ang kinalaman ng kalyo sa mga sinasabi kong ito? Ewan ko pero ang alam ko lahat tayo meron nito.


Kasabihan sa probinsya namin na malalaman daw kung ano ang trabaho ng isang tao sa pamamagitan ng mga kalyo nito sa kamay. The more na makapal ang mga kalyo, masasabing mas masipag sa daw buhay ang isang tao. Syempre, malalaman mo ito kung kakamayan mo ang isang tao. Dahil sa ganitong kasabihan, 'di ko alintana noon kahit makapal na ang kamay ko. Alam ko medyo may pagka-unfair etong kasabihan na ito kasi papaano naman kung sa propesyon mo ay hindi mo kailangang humawak ng araro, martilyo, lubid, sagwan, pala, sa halip papel at ballpen. Pero, pwede ka ring kalyuhin sa kapepitiks lang a. Maghapong finger-an.


Sabi ko nga, minsan din akong nangarap at nagsikap para hindi ako hahawak ng araro, lubid, martilyo, pala at kung anu-ano pang nakakapagpakapal ng tisuyin kong mga kamay. Pero ngayon ko mas narealize ang value ng mga taong may ganitong trabaho. Sa dinanas na delubyo ng Pilipinas ngayon, papano na lang kaya kung walang mga taong gustong tumulong doon sa mga kababayan nilang apektado ng kalamidad, kung walang taong lulusong sa putik para maghatid ng kahit man lang kaunting tulong, kung walang gustong sumisid sa dagat para sa ikalalakas ng mga taong naghahanap ng pag-asa. Paano na lang kung ang lahat ng tao sa kabila ng mga pangyayari ay mistulang walang pakiramdam at walang pakialam? Siguro lalangawin din ang laban ni Manny Pacquiao. Pero, kasi likas sa ating mga Pilipino at pagiging matulungin at may malasakit sa kapwa. Dapat ko bang isali ang mga maeepal na pulitiko?


Masipag daw ang taong kalyuhin ang mga kamay. HIndi lamang mga magsasaka, mangingisda, construction workers ang tinutukoy ko. Syempre, 'yong mga taong nagsisikap, naghihirap at walang sawang kumakayod sa pagnanais na maiangat ang estado ng buhay ng pamilya at 'yong mga taong nagsasakripisyo para sa iba. Pero kung kalyo mo ay may kasamang amoy, aba'y ibang usapan na yan. Ibig sabihin, gastos na yan.


Sa mga tulad kong kalyuhin ang mga kamay, wag kayong mahihiya. Pero kung di n'yo na kaya aba'y problema n'yo na yan.


Read more...