Demo Site

Sunday, December 28, 2008

Merry Birthday!

Merry ba ang christmas nyo?


Sana sa mga sandaling nagbabasa ka ng madamdaming entry kong ito ay kumpleto pa rin ang daliri mo sa kamay at paa, sana wala ka ng impatso at nasa ayos na ang tyan mo, sana nakabawi ka na ng tulog at sana malinaw pa rin ang mga mata mo.


Lumipas na rin sa wakas ang araw na pikahihintay ng anak ko at salamat na rin at maghahibernate na si Santa. Matapos naming papaniwalain na santa claus is coming to town ayon at pansamantalang umamo.



At dahil tapos na ang pasko, naexcite naman ako kasi feeling ko may madramang mangyari pagtanda ko ng isang taon uli. Pero wala pala. So kailangan kong magpapansin at magpasaway. Di na kailangan ang mga picture greetings. Sapat na ang mga madamdaming forwarded text messages na nanggigising sa akin. Sa mga nakaalala at bumati, pasensya na lang at hindi kung hindi ko kaya mailibre pero sobra nyo akong pinaligaya. Gusto ko kasi na kapag nagpabertdey ako ay yaong tipong parang pyesta para lahat masaya ngunit datapwat, wala pa akong panggastos kaya isang sincere na pasasalamat na lang tanging masasabi ko.



Dahil may bertdey, dapat may regalo. Oo kahit walang pakain basta may regalo. Krisis di ba kaya kailangan isa lang ang pipiliin -- regalo o handa. At talagang espesyal at bongga ang naging regalo ko ngayon.



for art ....


and obsession!
my new toy!


Yahoooo!




Read more...

Wednesday, December 17, 2008

a day in CHOCOLATE FACTORY

Sigurado akong walang hindi gusto ito kahit sinasabi pa nyang bawal sa kanya ang matamis. Sino ba ang makakatanggi sa lakas ng pang-akit nito. Nakaka-arouse ng taste buds at di mo na mamalayan, napatikim ka na tapos isa pa at isa pa at isa pa nga hanggang naubos na ang isang supot at kulang pa.


Sa mga espesyal na panahon malimit na bitbit ito. Pasalubong kadalasan maliban siguro kapag Araw ng mga Patay. At kung sa mga nang-iirog, props din ito para mapasagot ang nililigawan o kung minsan, pampalubag loob kapag halatang guilty. Parehong di ko pa nasubukan ang alinman sa dalawa. At dahil papalapit na ang Pasko, mabentang panregalo ito.


Kapag tsokolate ang pag-uusapan, una sa listahan ang Switzerland. Pinakakilala ito sa mga sikat na brand ng mga chocolates -- Cailler, Frey, Lindt, Toblerone. Iilan lamang ito sa mga nakikita natin sa mga px goods section sa mga department store sa atin pero dito sa Geneva, meron pang nga chocolaterie na neg-iexist na talagang ibang klase ang mga tsokolate. Kung gusto mong may wine, chilli or orange flavored, black or pure, magsasawa ka. Chocolat a la maison. Gawa ng mga expert na chocolate makers. At dahil magpapasko, ito at bumabaha mga chocolat a la maison.


















At ang pinakapaborito ko sa lahat, ang Rafaello -- white chocolate na may almond nut sa loob rolled over coconut. Teka, hindi ito Italian chocolate to a.






O ayan, naglalaway ka na ano?


Read more...

Thursday, December 04, 2008

sa PASKONG darating

Sa wakas!


Isang buwan na rin ang matuling lumipas ng huli akong magparamdam dito sa kakaibang mundo ng blogosperyo. Akala ko, hindi na ako babalik. Mamamatay na din yata ito at maglalakbay ang kaluluwa kasama ng lolo at pinsan ko. Para kasing na-trauma ako kapag gumawa ang entry. Baka kung anong pangitain na naman ang magkatotoo at magaganap. Oo, tinatablan din ako ng takot. At dahil don parang ayoko ko nang magsulat. Echus!


Disyembre na naman. (ampangit ng segue!)



Masaya daw ang buwan na ito. Bakit? Dahil daw sa pagdating ng Pasko.


Paparating na ang Pasko. Hanging amihan na ang nararamdaman. May kakaibang lamig na sa umaga na minsang nagdudulot ng ubo't sipon. Pero dito sa Geneva, di lang basta lamig ang nararamdaman namin -- ang ginaw. Magpapasko na nga. At ibig sabihin nito, marami na naman ang grasya at hindi mahirap ang dumilihensya ng pera. Panahon na natatakot akong lumabas. Ito ang panahon na namumulubi ako. Kaya ang lahat ay naghahanda para rito. Ako lang yata ang hindi. Halatang hindi excited. Ano ba ang dapat ihanda para sa pasko?


Since hindi naman masyadong kasing bongga ang pasko dito kesa sa Pilipinas kung kaya hindi mo rin ito mararamdaman. Pero syempre pusong Pinoy tayo kaya paskong Pinoy na rin ang namamayani. Natapos na din naming gawin ang christmas tree dito sa bahay. Naexcite ang anak ko nong umpisahan namin ito last week. At dahil may global economic crisis, payat din ang christmas tree namin ngayon. Lagi naman itong payat kahit walang krisis. Nasobrahan lang ngayon. Ganyan talaga dapat nakikisabay tayo sa uso.


Kaliwa't kanan na naman ang mga Christmas Party. Nag-aalala tuloy ako sa kalusugan ko. Oo kahit papano, concerned pa rin ako sa kalusugan kahit papano. At kakabit ng pyestang handaan ang unti unting pagkakabutas ng bulsa. Dito ako natatakot. Kahit anong kuripot ko talagang mapipilitan akong gumastos at iba ako pag gumastos lalo na kung napapasubo. Nawawala ang takot ko sa asawa. Kung bakit nauuso pa sa atin ang namamasko at kailangang magbigay ka din ng pamasko. Buti sana kung iisa lang e, sandamakmak ang kalilangan mong bigyan. Buti na lang malayo ako sa mga inaanak. Pasensya na mga inaanak. Wala naman akong purong intensyon na pagtaguan kayo. Nagkataon lang.


Isa sa mga namimiss ko pag ganitong papalapit na ang kapaskuhan ang pangangaroling. Oo, minsan din akong parang yagit na may bitbit na tinuhog na pinantay na tansan tsaka lata habang kumakanta ng jingle bells sa harap ng tindahan ng aming kapitbhay kasama ng ilan sa mga kaibigan para mabigyan ng dalawang piso para pambili namin ng coke at tinapay. At syempre merong mga nanggagaya kung kaya nagkakaroon ng kompetensya. At dahil kapayapaan ang mensahe ng pasko, syempre hindi madugo ang diskarte na ginagawa namin para masolo namin ang kita (sindikato talaga). Sinasabuyan lang naman namin sila ng buhangin habang kumakanta. Syempre 'di namin aaminin 'yon pag nagkahulihan.


Exciting din ang paputok. Ito ang pinakahilig ko -- ang magpaputok. Oo, masaya yon. Pinaghahandaan din namin ito tuwing magpapasko. Mula sa simpleng asugi ng posporo hanggang superlolo. Hindi kumpleto ang pasko kapag walang putukan. Pero iba na ngayon. Kahit anong bawal nila sa paputok marami pa rin ang gumagawa. Masarap ang bawal ano ka! Kunsabagay, tama naman yon kaya kahit di na malakas ang putok ng paputok ko ngayon napapaungol naman ako sa sarap.


Ikaw nagpapaputok ka din?



Read more...

Wednesday, November 12, 2008

REMEMBERED

And I will surely miss them.




Pero di pa ako patay. Marahil kung nabasa mo ang entry ko sa ibaba, siguro magtatanong ka rin kung mamatay na ba ako. Hindi ko din alam kung bakit nagkaroon ako ng interes sa title ng artikulo na iyan sa isang journal ng amo ko. Pero palagay ko, dito nagsimula kung papano ako laruin ng mga pangitain na nagdulot sa akin at sa buong pamilya ko ng isang dagok sa buhay na ngayon lang nanamin pinagdadaanan.



Ilang linggo makalipas ko gawin ang nakaraang entry, lagi kong naaalala ang paparating na birthday ng lolo ko. Akala ko nga nataon talaga sa Araw ng mga Patay ang kaarawan nya pero sa Bagong Taon pa pala. Ang alam ko kasi malakas pa sya sa kabila ng katandaan at sakit na nararamdaman. Isa s'ya sa paboritong lolo ko at feeling ko din isa rin ako sa paboritong apo nya. Maliban kasi sa magkamukha kami pareho kaming mahilig sa sombrero. Hindi nawawalan ang lolo ko ng sombrero sa ulo. Isang karpintero na may maraming anak. Ganyan sya kasipag. Tagapagtanggol namin sya lagi kapag nagagalit sa amin ang nanay. Typical na lolo kaya gustong gusto ko na nasa bahay namin sya noong bata pa ako at hindi pa sya super old. Lahat siguro ng giyera na naitala sa kasaysayan ng Pilipinas ay nasaksihan niya. Hindi man masyadong bihasa pero may alam ang lolo ko sa salitang Espanyol pero mas magaling magsalita ang namayapa ko ring lola na asawa nya. Nanilbihan daw kasi sila dati sa isang Espanyol noong mga panahong iyon. Kaya talagang indio din ang lahi namin. Ang sabi din sa amin ng nanay ko, medyo may tampo daw sya dati sa lolo ko dahil sa ibang pananaw sa buhay. Mas minabuting ibenta ang lupain para ipanggastos sa pagpapakasal ng kanyang anak kesa sa pagpapaaral ng nanay ko kung kaya imbis na lumago, naghirap tuloy sila. Pero sa kabila ng kahirapan, masayahing tao ang lolo ko. Hindi nauubusan ng kwento tungkol sa kung anu-anong maligno at kakatakutang karanasan na ikinukwento sa amin bago matulog 'yon pala panakot para hindi na kami lumabas ng bahay pag gabi. Sa kanila ako tumira noong unang taon ko sa hayskul at sya ang katabi ko sa higaan. Boring nga kasi walang TV at gasera lang ang ilawan dati kaya imbis na lumagi, napapauwi tuloy ako sa amin na sya namang ikinagagalit ng nanay ko. Wala daw kasing pamasahe. Ilan lamang ito sa naaalala ko sa kanya noong kalakasan pa niya pero noong mamatay ang lola (asawa nya) medyo humina na rin sya. Dalawang bgay na ang hindi nawala sa kanya -- sombrero at tungkod. Nagkaroon na rin ng karamdamdaman na syang lalong nagpapahina sa kanya.




At nitong nakaraang araw nga, napuna ng asawa ko ang ilang bagong nangyayari sa akin. HIndi naman talaga ako aware pero masyado daw ako tulugero na hindi naman nangyayari. Kadalasan kasi ala-una o alas-dos ng madaling araw ako natutulog pero nagtataka sya na alas-dyes pa lang humihilik na ako. Sabado, nagtext sa akin ang pinsan ko na hindi na daw kumakain ang lolo. Linggo ng gabi, pinag-usapan namin ng asawa ko ang lolo ko. Lunes ng umaga, handa na akong pumasok ng magtext ang amo ko na huwag na muna akong pumasok kasi wala naman daw gagawin. Bandang alas-otso, kachat ko si Abou at pinag-uusapan namin ang entry ko at kamatayan. Bandang 9:30 ng umaga, pagkatapos ng chat namin, chi-neck ko ang roaming ko. Tatlong mensahe, isa sa kapatid ko at dalawa sa pinsan ko. Isa lang ang sinasabi -- wala na si LOLO. Ayaw kong umiyak pero kusang lumuluha ang mata ko. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya hinayaan ko na muna ang sarili ko sa sitwasyong iyon. Andami na kasing mga pumapasok na alalahanin lalo na ang sitwasyong milya milya ang layo ko sa kanila. Gustuhin ko mang umuwi ay hindi basta basta. Pero singurado naman nila sa akin na hindi naman malungkot na pumanaw na ang lolo namin. Masaya itong namayapa pagkatapos ng 101 na taon. Ganyan katagal ang itinagal ng kanyang buhay at tanggap naman kaagad iyon ng pamilya namin.




Miyerkules, dalawang araw pagkatapos namatay ang lolo ko, isang malungkot na balita na naman ang natanggap ko. Pumanaw na rin ang pinsan kong nasa kabilang bahay lang ng lolo ko. Muli na namang natulala. Ano ba? Para kaming nabiktima ni Frank. Parang sobra na. Ganito ba talaga kalaki ang pagmamahal sa amin ni Lord na sabay sabay n'yang kinuha ang dalawang mahal namin sa buhay? Sana isa isa lang. Pero pagkalipas ng mga malungkot na emosyon, muling naming nabawi ang tunay na kahulugan ng kanilang sabay na pag-alis. Kanya kanyang pakahulugan pero lahat positibo. At sa tingin mas mabuti na ang ganito. Sabay sabay din itong lilipas.




Hindi ko pa rin maiwasang malungkot lalo na kapag naalala ko itong pangyayari kapag nag-iisa. Mahirap para sa isang katulad ko na malayo sa kanila. Pilit ko mang isinasaisip ang mga dapat gawin kung sakali mang may ganitong pangyayaring darating, iba pa rin kapag naandon ka na sa sitwasyong pinaghahandaan mo. Pagsubok daw ito at lahat naman ay makakaranas ng ganito at ngayon siguro ang pagkakataon namin. Ito rin ang muling nagbuklod sa bawat isa sa amin at muling nagbigay ng pagkakataon para magsama sama ang buong pamilya.




Sa kabila ng pangyayaring ito, mas lalo kong natutunan ang tunay na pakahulugan ng buhay. Mahirap pero kung tatanggapin mo natin hawak ang kung anumang mangyayari at iisipin nating masaya na sila then, bakit pa tayo malulungkot. Kaya tamang pakahalagahan natin ang kasalukuyan. Isabuhay ito na para bang ito na ang huling araw natin sa mundo. Tapusin na ang mga dapat gawin at mas importante lagi na at peace ka sa sarili at sa kapwa.






"Death is not the greatest loss in life. The greatest loss is what dies inside us while we live. " -- Norman Cousins







Paalam Lo. Paalam, Insan.








Read more...

Wednesday, October 29, 2008

what will I miss when I DIE?

As usual, nagtatanong na naman.

Bigla akong napa-pause sa aking ginagawa ng makita ko ang pamagat ng artikulong ito sa journal na nakakalat sa bookshelves ng amo ko. Emotera din pala ang babaeng ito. Pero sa pagkakasuri ko medyo may kalumaan na din ang article nya na yon at dahil hindi ako likas na tsismoso, mabilisan ko itong binasa. Talagang mabilis lang na hindi ko masyadong naintindihan. My point is, natinag lang ako don sa title.




Hindi dahil malapit na ang Araw ng mg Patay kaya ang senti-senti ko. Hindi nga ito idinidiwang dito kaya ikaw na ang bahala kung saang sulok ka ng bahay magsisiga ng kandila para sa mga dedong mahal sa buhay.



Nagsisimula ang araw ko sa isang tasang kape pagkatapos maligo. Mas masarap kapag espresso pero parang hindi bagay kapag sobrang aga kaya instant na lang kung minsan. Early riser ako kasi nga daw early bird catches the worm. At kahit nagyeyelo sa labas ay kailangang maghanap ng worm. Mag-aantay ng bus, makipagpalitan minsan ng hello sa kapwa Pinoy at kapag hindi masarap ang timpla ng kapeng nainum, pasensya na kung deadma sila kung minsan. Masayahin akong tao. Minsan topakin pero madalas matino mag-isip. (hmmm?) Bobo sa numero pero marunong magbilang. Hindi mahilig mag-excercise pero nakagawian na ang makipaghabulan sa schedule ng bus. Ilan lamang yan sa mga paradox ng buhay ko. 'Yong iba sa akin na yon. Pero kung sanggang dikit tayo, pakiusap, walang laglagan.



Dalawang taon na ang anak ko. Nakikitaan na at nagpapakita ng maraming bagay na maaring ikainis at ikatuwa. Kumbaga sa aso, madaling matuto ng mga bagong tricks and you will certainly love him kapag nagpakitang gilas. Syempre mas magaling sa aso ang anak ko. Hindi pwedeng buo ang umaga ko bago umalis para maghanap ng worm sa maghapon kung hindi ko marinig ang mga linyang:


"Ba-bye Papa. See you later Papa."




Sabay big hug na may kasamang halik. Oaw! Kung hindi ka ba naman gaganahan magtrabaho nyan at maexcite na maging hapon na para sunduin sa créche nya at para ipagluto ng kanyang dinner. At ang bonding time, sasamahan syang manood ng DVD. After this season, we will train him to use the potty. This is the joy of FATHERHOOD.



Minsan ko na ring nai-post ang love story ko dito. Hindi iyon super fantasy na with matching fairy tales o kung anumang pa mang kaeklatan pero I always wanted to remember those things and how I finally win my, now, wife. I have all these standards before na kapag manligaw ako kailangan 'yong mga tipong KC Concepcion and may I say wala sa kalingkingan nya si KC. 'Yon nga lang hindi lang sya kasing "exposed" (in qoutation mark) ni KC. Walang hilig sa kusina pero one thing na sobrang gusto ko sa kanya ay 'yong interest n'ya at karunungan sa paghandle ng bata. Kumbaga, alam n'ya ang mga do's and dont's pagdating sa childcare na kadalasan nawawala sa sistema ng typical na Pinoy. Isama mo pa don syempre ang sarap kapag may lambingan. Usapang matino ito. Kaya naman iba pa rin talaga na may nanay sa bahay. At syempre, yong ibang saya na nararamdaman kasi alam kong sa lahat ng bagay na pagdadaanan sa buhay, hindi ako nag-iisa. This is the joy of being a HUSBAND.



Noong nakaraang dalawang linggo, nagdiwang ng 65th birthday ang tatay. Malas ko nga lang at dahil kais sobrang abala ko sa trabaho nakaligtaan kong tawagan at batiin . Kung kaya sabi nga, huli man daw a magaling ay naihahabol din, kinausap ko sya last weekend at nagkataon din ako sa akas na batiin sya. Sabi ko nga sa nakaraang entries ko dito, masyado marami akong pinagdaanan sa tatay ko na kung babalikan ko pa at isa-isahin kulang ang salitang salamat para sa lahat ng kabutihang ginawa nya sa amin. May mga pagkakataong nagtampo pero sa tuwing naisip ko din ang mga sakripisyo nya para sa aming pamilya nya, yon ang huling dapat kong gawin sa kanya. At sa huling pag-uusap namin, ibang level ang naging usapan. Palitan ng kuro-kuro, pala-palagay at opinyon tungkol sa kasalukuyang pangyayari -- global economic crisis. Oha! Gulat ang kapatid ko ng ibalita ko ito. Baka sa susunod kong tawag, si Jocjoc Bolante naman ang pag-usapan namin. Iba talaga ang may pinagmanahan. Ito lang din ang ipinapasalamat ko, na in a way, at least, I am giving them comfort na hindi nila naranasan noon and I have the chance of doing it habang buhay pa sila. This is the joy of being a SON.



Maliban sa pamilya, malaki ring ang utang na loob ko sa mga taong hindi ko naman kaano-ano pero itinuring nila akong bahagi na rin ng kanilang sarili. Lahat naman tayo, alam ko, lumaki na may itinuturing na bespren o besprens pa nga. Yong kahati mo sa baon, kasabwat sa paninenok ng tsitsirya sa tindahan, kopyahan ng asignment, taga-gawa ng thesis, tagapagpaalam sa magulang kapag sa tingin ay ayaw payagang pumunta sa sayawan kapag si crush ang kasama, tagabitbit ng bag, katagayan sa inuman at kung minsan, pwede mong hiraman ng brip. Sila rin ang mga taong minsang tagabatok sa kin kapag medyo kailangan kong magising at laging naandyan lang kapag feeling ko lahat iniwan ako. Andrama pero ngayon ko din napagtanto kong gaano sila kahalaga sa akin at ganon din pala ako sa kanila. At alam, dahil sa kanila, maswerte din ako. This is the joy of being a FRIEND.



Halata ko na. Hindi talaga ako emotero. Wala sa balat ko yon. Pero since, natinag ako sa tanong na ito, I almost feel like I'm a dying person. Well, di rin ako sigurado kung ganito rin ba ang pag-iisip ng isang malapit ng mamatay. Lahat naman taya doon ang tungo -- sa kamatayan. At ang mahalagang bagay siguro na maaring ituro at matutunan natin sa buhay ay kung paano natin pahalagahan ang kasalukuyan. Sabi nga ng isang madaldal ng talk show host:


"...sometimes, we can only appreciate the value of someone or something when they're gone."


At sa tanong na what will I miss when I die, it will certainly be the things that I miss.




back to the TOP!






Read more...

Monday, October 20, 2008

unTITLED

Inaamin ko medyo hindi maganda ang pinagdaanan ko ngayong mga nakaraang araw. Almost three weeks akong tuloy tuloy na nagtatrabaho as in walang weekends kung kaya in fairness sa sandamukal kung mga fans ay pormal akong nagpaalam para lumiban pansamantala at hindi totoo ang tsismis na nadawit ako sa kaso ni Cristy Fermin na napatawan ng supensyon ng ABS-CBN. (ang corny!) Salamat sa mga umunawa.

Talong linggo na halos masakit ang buong katawan ko at kung ilang araw na ring nakaupo sa inodoro habang nagbabasa ng dyaryo ang batang inakala ng ilan na anak ko. Pasensya na po pero katulad nga ng sabi ni MJ as in Manong Jacko: "...but that kid is not my son. (mais ce gamin n'est pas mon fils.)" Oha! Pranse kung pranse! Tila ba ubos na at talagang said na ang lahat ng lakas ko sa katawan. Pero parang hindi ko na ito nararamdaman. Mistulang limang galong epidural (di ko pa naranasan to) ang naiturok sa katawan ko para maging manhid ito sa kahit na anong pakiramdam. Teka, bakit ba ang emo-emo nito? Tapos na ang pakontes nila karmi at komski tungkol dito at ayan o, may badge ako. Third placer ang loko. Salamat Karmi at Komski kung sino man kayo.

Balik sa kaemohan, ang hirap ng buhay naming mga OFW. At aber, sino ba naman ang maniniwala sa amin. Tatlo ang pinag-aaral sa kolehiyo, may pinagawang bahay na dollar-funded na sana meron ako, may regular na allowance na tinatanggap ang mga kamag-anak. Asus! Kulang na lang e pinipitas ang piso sa puno. Pero sa totoo lang ang kakapal na ng kalyo sa kamay ng mga kumakayod na kababayan natin sa ibang bansa para sa naiwang pamilya sa Pilipinas. Lamig, init, banta sa kaligtasan, pagod at kung minsan pa nga gutom ang nararanasan ng mga OFW na kababayan natin ayon na rin sa kwento ng ilan. Lahat nagsasakripisyo, lahat nagtitipid mabigyan lang ng magandang buhay ang mga naiwang mahal sa buhay. Ang tanong: nasusulit naman ba kaya ito?

Nitong mga nakaraang linggo, nagulantang ang buong mundo sa matinding hagupit sa tumama sa pandaigdigang kalakalan. Keber naman ng ibang hindi nakakaintindi! Bagsak ang pandaigdigang ekonomiya. May mga bangkong napilitang magsara dahil sa pagkalugi. Marami ang nawalan ng trabaho at meron pang nangangambang mawalan. Noong nakaraang Biyernes, nagulat ako sa reaksyon ng isa kong employer. Hindi normal sa sistema nya ito pero ang aga nyang pumasok sa trabaho. May mga kliyente daw na hahabulin. Bilis siguro tumakbo. Masama daw kasi ang lagay ng stocks exchange. Ha? Ano may kanser? (corny alert uli) Pero pera na ang pinag-uusapan dito. Napag-iisip tuloy ako, pag nagkataon, matatanggap ko pa ba ang just compensation ko. Naku! Wala pa namang Imbestigador na sumbungan ng bayan daw dito. (corny uli). Naisip rin namin ang ipon namin sa Pilipinas. Sana huwag namang mangyari na bigla na lang maglaho ang pinaghirapan namin. Pero parang panatag naman kasi sila sa Pilipinas kaya kampante naman kami.

Pinatutunayan lang ng mga pangyayaring ito na sadyang mahirap na talaga ang buhay lalo na ang kumita ng pera. Hindi lang ito basta basta napupulot sa daan. Kailangan mong pagtrabahuhan. Kailangan paghirapan at kung minsan, may ilan ngang nagpapaka-alila na sa trabaho para lang kumita. At sa araw-araw na ginawa ng Diyos, umaasang may ginhawang naghihintay balang-araw.

Sa katulad kong OFW, malaking sakripisyo ang iwan ang magandang trabaho at pamilya sa Pilipinas kapalit ng mas malaking kikitain sa abroad. Walang naging madali sa alinman sa mga naging karanasan ko dito pero kung babalikan ko ang lahat mas pipiliin ko pa rin ang naging buhay ko ngayon lalo pa't mas lalo itong naging makabuluhan sa akin. Wala akong hindi kayang tiisin para sa mga hangarin sa buhay. Pagod man ang katawan ko, masigla naman ang puso ko dahil sa dalawang taong laging may pasalubong na ngiti sa aking pag-uwi.







Read more...

Sunday, October 12, 2008

offLINE



The GARDENER is still occupied. Thanks for dropping by.
I'll be back soon..

Read more...

Tuesday, September 30, 2008

FALL-en

Makulimlim ang paligid. Nagsisimula ng magtuyuan ang dating luntiang paligid. Naglalagan na ang mga tuyong dahon na animo'y ulan sa umaga. Ang lungkot. Para bang balat ng yumao kong lola na hindi na na kayang paputiin ng kahit na anong whitening soap. Kulubot at para ka bang nasa kabihasnang madalang marating ng tao. Pakiramdam ko parang sepia ang kulay ng kapaligiran. Hinahayaan lang kasi nila ang mga tuyong dahon na nagkalat kahit nasa pintuan na ito. Kung nandito lang siguro ang nanay ko, araw-araw kaming may tagawalis at tagasiga ng mga dahong ito.


Taglamig na pala. Parang hindi ko ramdam. Kasi naman nakahubad pa rin ako kung matulog. Oo. Gusto ko kasi yong pakiramdam nang magkadikit ang balat ko at kumot. At saka, para shortcut na kung sakaling may mga seremonyas. Pero nitong mga nakaraang araw, hindi na pinagpapawisan ang likod ng tuhod ko. Ano nga ang tawag don? Alak-alakan? At nagbabalat na rin ang dulo ng mga daliri ko sa paa. At saka, nangangati na ang anit ko dahil sa balakubak. Ito ang mga nararamdaman ko pagka taglamig na. Ah, sa wakas, puputi na uli ako.

Maginaw. Dati ko itong pinananabikan dahil walang ganito sa Pinas ang drama ko ng unang apak ko dito sa Geneva. Palibhasa kasi puro na lang maiinit don kaya parang huwaw ang dating sa akin ng autumn. At nagagaya ko pa si Hua Ze Lie at Dao Ming Su, 'yong nagsusuot ng scarf at bonnet hanggang tumagaktak ang pawis kahit na anong lamig. Maliban kasi sa makapal na suot, nakakadagdag init din sa katawan ang mga props na katulad ng scarf at bonnet. At dahil, halos anim na buwan ang taglamig, anim na buwan ka ding balot. Tingnan natin kung di ka nga talaga puputi. Peke ang Likas Papaya na yan. At syempre, aantayin na ang pag-isnow. Dahil pinoy ako, pinoy tayo at walang kahilig-hilig sa piktyuran, talagang pakyut ako noong unang experience ko sa snow. Oha, adik! Teka, asan na ba yon?

Maulan. Malimit na naman umulan ngayon dito. Kapag ganito sa Pinas dati, ang hirap gumising dahil ang sarap pang magtalukbong ng kumot dahil lang sa kaunting ginaw na dulot ng ulan, mas lalo dito ngayon. Nakakatamad bumangon. Dagdag pa ang madilim na paligid kahit alas syete na ng umag na mas lalo pang madilim kapag winter na talaga. Ang ikinababahala ko pa kapag ganitong panahon ay baka magising mula sa pagkakahibernate ang bestfriend ko na ipinamana ng tatay ko. (back read ka lang sa previous post kung interesado kang malaman) Ang kinaigihan lang nito ay kahit anong ulan, hindi bumabaha. Kung nagkataon, aba e, parang nasa Kalentong lang din ako.

Mahangin. Ito ang nakakadagdag sa ginaw. Perwisyo sa akin ang paglabas na malakas ang ihip ng hangin lalo na kung nakacontact lens ako. (akala mo naman meron) Napapatingin kasi sa akin ang mga nakakasalubong ko kasi akala nila umiiyak ako. Sensitibo lang kaya ang mata ko sa hangin. Pero walang patama ang hangin dito sa lakas ng hangin ng kapitbahay ko dati. Di lang ako napapaluha, nagtatagis lang ang bagang ko sa inis at kung may madyik lang ako, gagawin ko syang platito para kahit papano ay may pakinabang. Basta!

Pero may choice ba ako? E sa ganito talaga ang klima dito sa Suisse. Wala akong magagawa kaya dito ko na lang isusulat ang hindi napapawi ng mga buntunghininga ko.

And this made me realize one thing. I missed HOME.




Read more...

Tuesday, September 23, 2008

inSURED

Kasabay ng balitang namatay DAW si Oprah, ang patuloy na election campaign sa US, ang bagyo sa Pilipinas, ang bombing sa Pakistan, ang melamine scare sa dairy products made in China, ang katatapos na Emmy Awards, at ang patuloy na usapin sa LHC sa Geneva, ang pag-alala ko sa sinapit ng Lehmann Brothers na kompanya sa US.

Wala naman akong pakialam don kasi wala naman akong investment don at malay ko ba sa mga investment na yan at kung tutuusin ngayon ko nga lang narinig ang Lehmann Brothers na ganon pala kalaking kompanya ito.

Matapos magfile ng bankruptcy, sanga-sanga ring problema ang idinulot nito na nagbigay ng sari-sari haka haka at mga ispekulasyon sa mga maaring epekto nito sa financial sector. Kakabit ng Lehmann Brothers na pangalan ang AIG na syang may hawak ng Philam Life Insurance sa Pilipinas. At dito ako napangiti. Kahit sabihin man nila na secured ang policy investment ng Philamlife sa kabila ng sinapit ng mother company nito, hindi pa rin maiaalis ang pangambang maari rin itong malugi. Kung nagkataon sana, isa ako sa maaring nag-aalala ngayon sa perang ininvest ko sa insurance policy.

Dati kasi akong may hinuhulugang insurance premium sa Pilipinas. Life Insurance at medyo may kamahalan din ang premium kung tutuusin kasi over 20 years old na kasi ako ng kumuha. Nakadalawang quarter na din ako ng hulog plus yong downpayment pero nong mahuli ako ng bayad sa third quarter ay biglang ninotify ako ng Philam na pinutol daw nila ang policy na hinuhulugan ko pero pwede ko daw itong i-reinstate. Ibig sabihin, tataas ang premium ko non. Kalokohan nila. Mali nga din ang naging desisyon ko kasi kailangan ko din talagang maniguro para sa kung ano man ang kinabukasan pero sa Pilipinas na hindi naman bahagi ng buhay ng tao ang insurance na tinatawag, unlike sa ibang bansa na niri-required mismo ng gobyerno, di talaga maaalis ang pagkakaroon ng agam-agam at pangamba. Katulad sa nangyari sa CAP at ano nga yong isa, na hindi na nabawi ng ibang holder ang pera nila. Tsk..tsk..tsk!

Nakakalito tuloy ngayon kung sa papanong paraan ka pwedeng mag-ipon na hindi ka mag-alala na posibleng maglaho ang pinaghirapan mo ng ganon ganon lang lalo na kapag para ito sa kasiguruhan ng kinabukasan. Ganunpaman, sabi nga nila, sugal daw ang buhay kaya kailangan mong tumaya at sa sugal may nanalo at may natatalo. Malas mo lang kung ikaw yon. Okey lang yon. Ang mahalaga may natutuhan ka sa buhay kesa nanatili kang duwag.

Unstable na daw ang pangkalahatang ekonomiya ng mundo lalo na ng America. Pero sabi nila may solusyon daw si Obama.

Ano sa tingin mo?


Read more...

Friday, September 19, 2008

armagedDON

Doomsday.

Laman ng balita nitong mga nakaraang araw sa Geneva. Usap-usapan sa mga radyo at artikulo sa mga peryodiko. Tinalong bigla ang American politics. Ewan kung nauunawaan ng madlang people ang usaping ito dahil parang deadma lang sila -- pakiramdam ko lang.

Actually, ganon din ako noong una. Sobrang technical kasi ng mga pinag-uusapan at nahihirapan na akong i-recall ang mga concepts ng Physics na natutunan ko noong high school. Maliban sa mga numerical facts (syempre computation na naman) medyo mahirap ma-absorb ang mga technical terms na kung hindi mo propesyon malamang matutulala ka.

I am talking about the LHC or the Large Hadron Collider. Ito na ang pinakamalaki at pinakamalakas na particle accelerator sa buong mundo. Ginawa ito para mabigyang kasagutan ang mga tila walang kasagutang tanong sa larangan ng particle physics. Sabi ko nga masyadong technical kung kaya sundan mo na lang ang LHC sa link na ito para mas lalo kang maliwanagan.

Ito ang logo ng ahensyang namamahala dito. Ang CERN -- European Organization for Nuclear Research originally Conseil Européen pour la Recherche Nucléaire in French. Sa tuwing makita ko ito lagi kong naalala si Robert Langdon at ang antimatter sa Angels and Demons ni Dan Brown kung saan una kong nabasa ang ang word na ito. Minsanan lang mag-open ang CERN for public and this year, pinakita nila ang LHC pero di ako nakapunta kasi di pwedeng ipasok ang anak ko. Pero hindi iyan ang isyu. Planong isagawa ang unang collision sana noong September 10, 2008. Pero sa mga kung anong kadahilanan ay hindi ito naisagawa.

Ang kinatatakutan ng karamihan dito ay ang maaring idulot na epekto ng magarbong proyektong ito. Una na dito ang blackhole -- kung saan hihigupin ang mundo on the 10sec on the billionth power. Sa akin ok lang at least mamatay akong di virgin at mabuti sana kung ako lang. Iniisip ko ang mag-ina ko. Kung magkataon, isa kami sa maaring apektado. Ilang kilometro lamang ang layo ng tinitirhan namin sa Meyrin kung saan naroon ang CERN. Paano na lang kung pati Chatelaine biglang magdisappear? Sumunod ang concern ng cosmic rays, strangelets, vacuum bubbles at magnetic monopoles. Lahat ito maaring magcontribute sa tuluyang pagkasira ng mundo as in literal na masisira. Tunghayan ang ilan sa mga larawang ito courtesy of google.




Kung minsan, ang akala ng tao, his invention makes him GOD and he would think he could conquer GOD. Pero kadalasan din, ang katalinuhan ng tao ang nagdadala sa kanya sa isang kapahamakan.

Ikaw? Ano ang tingin mo sa pangkalahatang pangyayari sa mundo maging gawa man ito ng tao o kalikasan?



Read more...

Tuesday, September 09, 2008

KWENTA-han tayo!

Ito ay isang pag-amin.


Hindi ako bobo. Sigurado ako don. Paminsan-minsan siguro tamad pero hindi ako bobo. Sabi pa nga ng mga kaibigan at mga kamag-anakan ko, swerte daw ang mga magulang ko kasi matalino daw ako. (daw ako!) Alam kong malinaw na magkaiba ang kahulugan ng dalawang salitang ito na sadyang ginagawang pananggalang ng karamihan sa tuwing sila ay mahuhusgahang bobito. Syempre, wala naman talagang aamin na sya ay isang bobo at isa ako don. Parang utot din 'yan, walang aamin kung sino ang nagbuga.


Pero katulad ng pag-amin ko noon na minsan na din akong umutot sa gitna ng maraming crowd, aaminin ko uli ngayon ang isang bagay tungkol sa akin. Oo, ang engot-engot ko pagdating sa kwentahan -- sa numero in general. Di ko alam kung sakit ba itong namamana o talagang endowned na kaagad sa isang katulad ko since birth. Pero hindi ito kaso ng kabobohan. Sabihin na lang nating may pagka-lousy.

Sabi nila mathematics is an exact science at matapos matukoy ng mga kagalang-galang na mga loko-loko ang bahagi ng utak ng tao na nagiging sanhi ng pagkapurol sa matematika, naniniwala ako na talagang merong balanse ang mga bagay bagay sa mundo. Hindi pa naman siguro ako mapapabilang sa mga dyscalculics o yaong mga walang kakayahang magdeal sa numero as to how many or how much. Nakakalito lang kasi. Pero malaki ang pag-asa ko na magkakaroon pa din ng bisa ang patuloy kong pagkain ng mani (basta mani).

Sa loob ng ilang taong nag-aral ako, aminado ako na mahina talaga ako sa matematika. Kinakabahan ako noon kapag tatawagin ako ng titser namin para irecite ang multiplication table at sana lagi kong dasal na sana table of 2 or table of 5 ang ibigay sa akin dahil kung hindi siguradong magkakalat ako. Nahirapan din akong mag-add, subtract, multiply, divide ng fraction. Kung bakit kasi naimbento pa ang mga yan e hindi naman sa araw-araw na buhay nakakasalubong ko ang fraction. Nang tumuntong naman ako ng high school, sumasakit ang ulo ko sa algebra. Hindi ko na nga alam ang simpleng numero lang, dadagdagan pa ng letters. Kulang na lang sasauluhin ko ang placement ng lahat ng letters sa alphabet. Pero sa totoo lang feeling no sweat ako that time at sa akin pa nangongopya ang ibang kaklase ko. Bakit kamo? Lagi ko kasing dala-dala ang lumang kwaderno ng kapatid ko. Alam mo naman sa public high school, paulit-ulit lang ang itinuturo ng mga titser. Ang assignment ng last year, ganon din ang assignment this year. Isang taon lang kaya ang pagitan namin ng sister ko. Pagdating naman sa statistics, ambilis ko sa kwentahan kasi nasa bag ko lagi ang vintage na calculator na ninenok ko sa nanay ko. Kaya tuloy kahit ngayon, pag nagkausap kami ng mga kabarkadang kaklase ko tungkol sa numero at ang bilis kong sumagot ang sunod na tanong, "Ambilis mo a. May calculator ka sa tabi mo ano?."

Minsan din akong nakipag-away sa namayapa ng tindera sa amin dati. Ang alam ko kasi matalino at tama ako kaya nakipagtalo ako. Inutusan kasi ako ng tatay ko na bumili ng yosi. Ang nasa isip ko kaagad, magbubulsa ako ng sukli. Sampung piso ang ibinigay n'ya at 8.50 ang nabili ko tapos ang sukli sa akin 1.50. Habang naglalakad pauwi, "mali" sabi ko. Dapat 2.50. Sabay balik sa tindahan. Sakto-saktong ang banat ko. Syempre talo ako at di ko iyon tanggap kaya pagdating sa bahay kinuwenta ko uli at tinanggap ko na lang ang pagkapahiya. Maghahanap na lang ako ng patas kaya sa tuwing bibili ako don, nangungupit ako ng jolens o kaya teks.

Laging gulat ko din ng minsang bigyan ako ng ribbon ng titser ko. Di ko pa alam sa una pero ng sabihin nya sa akin na Best in Math daw ako, para kong hahabulin ang isa kong kaklase para makipagpalit ng Best in Religion sa kanya. Ano ba mam? Paano ako magiging best in math e, di mo nga ako tinatawag para sa recitation, dagdagan pa na nakakatulugan kita. Paano nangyari 'yon.

Malala na siguro ito kasi kahit nasa ganitong edad na ako ay inaatake pa din ako ng pagkalousy ko. Napansin na din ito ng asawa ko dahil ilang beses na ring nangyari -- noong minsang muntikan na akong magbigay ng palit sa isang trabahong akala ko ay sobra ang ibinayad sa akin, noong sinabi ko na 600 lang ang idideposito ko at buti na lang matalino ang machine magbilang at sinabing 800 pala ito at nitong nakaraang araw lang, sobra ng isandaan ang actual na ibinigay ko sa kanya kesa sa sinabi ko. At dahil dito meron syang simpleng hiling. "Sana 'wag mamana ng anak mo ang kahinaan mong ito."

Mahirap magkunyari. Kesa naman dayain ko ang sarili kaya naman pasensya na, masyadong apektado ang intraparietal sulcus ko. Kung anuman yon bahala ka ng magsaliksik. Kung kabobohan man ang tingin ng iba sa kahinaan kung ito, napapasalamat pa din ako dahil kung minsan, dito ko nasusukat ang katapatan ng isang tao at kung may balak ba syang manlamang ng kapwa.

Isa lang ang sigurado ko. Bulldog nga ako sa numero pero hindi ako BOBO.


Read more...

Wednesday, September 03, 2008

multiTASKing

May ganito ka bang kakayahan?

Eksaktong dalawang linggo akong nawala sa sirkulasyon ng mga "elite". Mas mabuti na rin ang ganoon para kahit papano e mamiss nyo ang kutong lupang ito. Kung hindi naman, ayos lang kung nadelete nyo ako sa blogroll ninyo. Pero sa loob ng dalawang, nandito lang ako, nagmamatyag, nakikiramdam sa mga nangyayari at maaring mangyari sa blogosperyo. Try nyo din maghibernate, mas exciting!

Magpapaalam na ang tag-init dito. Saksi ang unti-unting pagkatuyo at pagkalagas ng mga dahon ng maple na kelan lang ay sabay sabay na sumibol. Mapapadalas na rin ang ulan. Mag-gu-goodbye na sa mga mamahaling havaianas na parang di man lang napudpod bago itabi. Hindi ko sana ramdam na magpapalit na ng panahon dito kung hindi ko tinignan ang kulay green kong kalendaryo. Ugali ko na kasi yon lalo na kung katapusan - para magkwenta ng bayarin kahit walang pambayad. Hayy, mas exciting uli yon.

Teka, multitasking pala ang pag-uusapan. Meron ka bang ganitong kakayahan? Kaya mo bang gawin ang tatlong gawain at once? Ng tama? Asus! Ngingisi-ngisi ka jan! Ano ka may limang processor? Pero totoo, sa panahon ngayon, kailangan nating maging mas efficient. Mas maraming accomplishment in a day mas maganda. At mas magandang nagagawa naitn ito ng tama.

Ang multitasking daw sa konsepto ng tao ay isang kakayahan kung saan nagagawa nya ng sabay ang dalawa o higit pang gawain. Imposible daw ito at kung mangyari man kadalasan sayang lang oras kasi di naman nagagawa ng tama dahil sa hindi pagkakaroon ng sapat na atensyon doon sa ginagawa. Ang utak daw kasi ng tao, ayon sa mga pag-aaral, ay makakapagperform lamang ng isang task at a time. Kailangang pagjumejebs, jebs ka lang, di pwedeng umihi. Magkaiba ang charging non. Wala huya! Ganon?

Sa isang progresibong bansa katulad ng Suisse, masyadong mahalaga ang bawat oras. Walang dapat masayang. Masyadong matindi ang kompetisyon. Masyadong mabilis ang takbo ng buhay na kung pabaya-baya ka ay talagang mapag-iiwanan ka. Kasimbilis ng pagpalit ng panahon ang pagbago ng buhay na kailangan mong habuli para makasabay ka sa standard. O ha! Di ba stressful? Kung kaya dapat talaga magmultiply este multitasking. Mas maraming trabaho = maraming kita. Kung pwede nga lang na 24 oras ka magtatrabaho bakit hindi. Pero kasi tao tayo at kahit nga computer nababug down. It's only a matter of choice.

Sabi din sa isang pag-aaral, mas magaling daw sa multitasking ang mga babae kesa sa mga lalaki o kadalasan daw sila ang nagmumultitask. Ibig sabihin din ba nito e mas maraming mayaman na mga babae kesa sa mga lalaki? Statistics, statistics! Pero sabi ng iba, dagdag pogi points daw sa lalaki kung epektib kang magmultitask. Good husband material ka daw. In layman's view, you are under de saya in the making. At tuwang tuwa ang mga babae nyan.

Ang sa akin lang, wala namang masama kung mahilig kang magmultitask. Mas maganda nga ang ganon, para ka na ring may superpower. Pero sisiguraduhin lang natin na tama ang output ng ginagawa natin. Kung kaya mong magluto habang naglalaba habang naliligo aba'y kakaiba ka nga pero siguraduhin mong di sunog ang niluluto mo, malinis ang pagkakalaba mo at suot mo underwear mo pagkatapos maligo. Focus on the quality ng gawa mo kesa sa quantity. Think of how did you do it rather than how much did you earn doing it.



This is, I think, a BETTER SUCCESS.


Read more...

Thursday, August 21, 2008

DARK summer KNIGHT

Halos isang buwan ko din itong inintay.

Alam kong kumbaga sa tinapay ay inaamag na ito sa dahilang masyado ng delay ang pagkakapalabas nito dito sa Geneva. Ganyan kami kabilis pagdating sa mga international films dito. Mabuti pa nga sa Pilipinas, nakakasabay sa mga international screenings. Ang sistema kasi, talagang pinaglalaanan nila ng oras na malagyan ng subtitle ang mga Anglo-audiod na mga films for the benefit of the Frenchmen and the Germans (with "s"...hahaha) and the hearing impaireds (with "s" again...bwahahaha). Masyado kasing spacious ang paglagay ng interpreter na nagsa-sign language na kung minsan masyadong annoying.



So eto, pagkatapos ng halos isang buwang pag-aantay, matutuloy na din ang plano naming mag-asawa ng panoorin ang masyadong pinag-uusapang "The Dark Knight". O ha! Masyadong updated. Actually, naipalabas na din ito sa ilan sa mga sinehan dito pero mas pinili naming huwag manood sa dahilang (A) siguradong daig pa ang distance ng marathon sa haba ng pila, (B) ayaw naming makiuso, at (C) nakaschedule na din itong ipalabas sa mas exciting na venue -- ang Cinelac. At doon kami excited. Every summer kasi dito nagkakaroon ng Cinelac na actually sponsored ng isang sikat na communication network. Nakatayo ang Cinelac sa Port Noir kung saan Lac Leman ang nasa background nito. Ang problema nga lang expose ka sa lamig kapag nagkamali ka ng suot ng damit. Parang ganito sya:


ang ganda ng kuha ko di ba? halatang propesyunal!

And since summer ngayon, hindi pwedeng magsimula ang show ng maaga kasi alas-nuwebe pa ng gabi lumulubog ang araw. We did not anticipate that something frustrating will happen. Syempre nangarir kami sa pamustura para naman hindi halata ang pagiging hardinero ko with matching paperfume na daig pa ang di naligong Arab sa amoy. Sus! Ano pa? Syempre kunyari di ako kilala ng asawa ko ang drama. Alam naming di kami late pero kita na kaagad namin na meron pang pila sa labas gayong in 15 minutes ay magsisimula na. Deadma at kunyaring relax para walang stress pero pagdating sa ticket booth, eto ang tumambad sa amin:


oh no! see! may humihirit pa. tama ang spelling n'yan -- that means sold out.

Damang dama ko kung paano ang mapahiya. Para kaming binagsakan ng pader pareho. Sana pala kasi bumili na tayo a week before..sana nagpareserve na tayo ng ticket kanina..sana bumili na din tayo online..sana..sana.. Pero yan ang totoo. Sabi ko sa misis, sige na uwi na lang tayo. Nood na lang tayo PDA sa internet. Kunsabagay, di lang naman tayo ang di nakapasok. Pero ayaw pumayag ni misis kaya nag-antay pa kami nang biglang mag-announce ang takilyera na meron pang dalawang available. Sakto! Nakuha namin in short pagkatapos makipagsikuhan ng asawa ko. Kaya sugod kaagad kami sa loob. Ang isa pa kasing ikinatutuwa namin dito pagpasok mo sa loob, libre na kaagad ang ice cream, tapos may laptop sa hallway na may libreng internet connection, eat-all-you-can na gummy candies plus free iced tea kapag uwian na. O saan ka pa!


Halos tatlong oras din ang palabas. At habang papalalim na ang gabi, papalamig na din kung kaya nginig hanggang buto ang inabot ko dahil isang manipis lang na pull-over ang suot ko at wala pang hood. 'Langhiyang Batman 'to. Mapupulmonya pa yata ako. Halos hindi umobra ang init ng katawan ng asawa ko habang yakap ko pero no choice, kailangang matapos namin 'to. Sayang ang bayad and for the sake of free iced tea later.


Pero kahit na nanginig sa ginaw at pagkastiff neck ni misis dahil sa hindi nakuhang igalaw ang leeg kasi tutok na tutok ke Batman, the movie was indeed a good one. Ledger was superb and the effects was quite impressive. Isa lang ang di ko gusto -- ang boses ni Batman. Nakakadistract ang masyadong paos. Parang hindi superhero ang dating. Pero talagang nag-enjoy kami. Kaya lang syempre sa sobrang late na natapos, wala na kaming masakyan pauwi kaya sa ayaw at gusto ko, sagot ko ang pamasahe sa taksi pauwi.


At eto pa:

ganito kahaba ang pila, di sa takilya kundi sa CR. ganyan ang kalakas ang impact ni dark knight.



Next summer uli.


Read more...

Thursday, August 14, 2008

le QUATRE

I am suppose to this post last night to answer Roland's pasalubong to me, pero nakalimutan ko pala na schedule pala naming mag-asawang magbonding -- and that will the subject of my next post.

Kung arba ke Pareng Roland (ok lang bang magkumpare?), 'yan naman ang number four sa french at kailangang may gender talaga. Pasensya na pero 'di kasli ang bakla at lesbo sa gender nila. Ang hirap pag-aralan ng Pranse kasi masyadong maarte.

So, this is a tag actually (sinipag ako bigla o di kaya napressure lang) coming from kapitbansa na si Pareng Roland.


Here it is:


instructions: what you are supposed to do...and please don't spoil the fun... click copy/paste, type in your answers and tag four people in your lists! don't forget to change my answers to the questions with that of your own.


(A) Four places I go over and over


train station -- for an obvious reason, eto ang primary means of transportation ko dito sa Geneva especially ngayong nagstay kami sa bahay ng employer ng asawa ko. Kaya sa ayaw at sa gusto ko, palagi akong nandirito.

La Coste Boutique -- somewhere near the train station. Hindi ako maluhong tao at nanghihinayang akong bumili ng mga branded at super mahal na mga burluloy sa katawan pero lately, nakahiligan kong bumalik-balik sa shop na ito dahil isang munting hiling. Sana may magregalo sa akin ng gustong gusto kong shirt ng La Coste.<

Villa Diodati/Chemin Byron -- dito ipinanganak ang sikat na Frankenstein ni Mary Shelley. Medyo situated ang lugar na ito sa mataas na bahagi ng Geneva at from Diodati kitang kita ang view ng lake at ng Jet d'Eau. Gusto gusto ko laging tingnan ang view mula sa lugar na ito kasi walang humaharang sa paningin ko to see the farthest view na pwedeng makita. Nakakarelieve ng pakiramdam lalo na kung kailangan kong mag-isip. Parang ang layo-layo ng pwede mong marating.

Home -- sa araw araw na umaalis ako ng bahay araw araw din akong sabik na sabik umuwi para makita ang dalawang taong pinakamamahal ko na siguradong nag-aantay sa akin. Ang sarap ang laging nasa piling ng asawa't anak.



(B) Four people who email me regularly


Kuya Rich -- my friend from Chicago who never fails to send me helpful facts on anything


Aaron Williams -- di ko personal na kilala kung sino 'to pero lagi n'yang pinafollo-up ang application ko sa Australia


Friendster -- para sa kung anu-anong updates


Val -- a friend from Saudi. Bawal daw kasi YM sa opisina kaya dinadaan sa email ang kwentuhan


(C) Four of my favorite places to eat


E-Wok -- xet, for my chinese cuisine needs.


Sagano -- for my sushis


McDo -- for my fast foods


Home -- sariling luto ko


(D) Four places you'd rather be


Rome -- makita man lang ang Vatican and to at least makinig ng misa ni Papa Pope


Acapulco -- ang ganda kaya ng mga Latina


Cebu -- di ko pa napuntahan 'to


Pilipinas -- husshh..there's no place like home.


(E) Four people I think will respond:


'Di ako sigurado kina popoy, ced, madjik at abou. Ibang klase kasi ang mga taong 'to.


(F) Four tv shows I coud watch over and over again:


Just for laughs, video gag, bubble gang, goin' bulilit --- mababaw ang kaligayahan ko. Ayoko ko ng sobrang seryoso.


Antagal ko natapos. Para din sa iyo 'to madjik, abou, churvah at YODS.


Salamat Pareng Roland.



*****

abyan kwan, danu gid gali nga salamat sa sini:

Kick Ass Blogger Award

since sinabi mo 'yan, paniniwalaan ko.

giving also this to:

wala daw dapat thank you speech, follow these rules lang daw.

  • Choose 5 bloggers that you feel are "Kick Ass Blogger"
  • Let em know in your post or via email, twitter or blog comments that thy'ver received an award.
  • Share the love and link to both person who awarded you and back to http://www.mammadawg.com/
  • Hop on back to the Kick Ass Bloggers Club HQ to sign Mr. Linky then pass it on.


Read more...

Friday, August 08, 2008

when can you say that ENOUGH is ENOUGH?

Sige nga. Pakisagot.


This is one of the striking lines I always remember in Paulo Coelho's Eleven Minutes. Matagal ko na din itong nabasa and I would admit, I am a Coelho fan as influenced by my wife. But I am not to talk about the book today but rather on how I could relate on the experiences of the lead character Maria. Try ko lang din isipin kung saang part ng buhay ko minsan ako nagmistulang prostitute.


Halos lahat sa atin nagrereklamo sa hirap ng buhay. Kadalasang maririnig ang walang katapusang litanya ng kung paano magtipid, paano magtipid at kung papano umasang aasenso sa gitna ng paghihikahos. Lahat iisa ang problema -- pera. Bakit ba ganon na lang talaga ang pag-aasam ng lahat na magkaroon ng marami nito? Tama ba kayang paniwalaan ang sinabi sa isang soap opera na kapag may pera ka, para ka na ring may kapangyarihan.


Noong nasa Pilipinas pa lang ako, inisip ko na tama na ang sitwasyon ko. May trabaho, sumusweldo at ayos lang kahit walang girlfriend, walang gastos. Pero iba pala ang sitwasyon ko. Kailangan ko pala saluhin partly ang mga responsibilidad ng mga magulang ko sa mga kapatid ko. Ito ang isang disadvantage ng maraming magkakapatid at mahirap lang naman ang buhay. Ang mga magulang na mismo ang nagdidikta sa mga anak kung ano ang dapat nilang akuing responsibilidad na may kasamang isang paalala ba ito o babala -- 'wag ka munang mag-asawa. Toink! Kaya tuloy, dumating na din ang point kung kelan kailangan kong mag-isip kung hanggang kelan ko dapat ito gawin. Hindi naman sana ako magrereklamo pero parang sagad na sagad na. Laspag na ako. Gamit na gamit na. At kapag hindi ko din ginawa ang kung ano ang inaasahan nila sa akin, feeling ko ako na ang pinakamasamang anak. Ang hirap.



"Ako, ako. Lagi na lang ako."



Ngayon naman, oo naiba na nga ang sitwasyon kahit papano. At least meron ng pambili ng bigas kahit sabihin mang mahal ang kilo pero syempre naghahanap pa rin ng mura at kung saan may sale. Marami ang nagtatanong kung ano ba talaga ang trabaho ko dito sa ibang bansa. Kayabangan syempre kung sasabihin kung isa akong supervisor sa isang sikat ng pagawaan ng relo dito gayong hindi naman ito totoo. Asa pa ako bagkus, ako'y isa lamang hamak na hardinero. O see! Hardinero na blogger. Bakit hindi? At ano syempre ang iniexpect ng ibang tao, na hindi ko alam ang law of gravity, law of supply and demand, ancient and medieval political theories, marketing strategies, sales projection? Whew! a piece of cake lang yon. It's all academic. Sabi ko nga na wala sa balat ko ang pagiging mayabang. Abou, ikaw ang nagturo nito sa akin.


Hindi naman kasi ako mapili ng trabaho. Kahit ano, kahit mababa ang sahod basta masaya ako habang nagtatrabaho ako at nasa interes ko ang ginagawa ko. Mahirap kasing magtatrabaho ka araw-araw na alam mo mo namang stress lang ang aabutin mo kasi 'di mo gusto ng ginagawa mo. Hindi lumalabas n'yan ang positive attitude ko towards work na s'yang dahilan kung bakit minsan akong nagka-career. Pero sa ngayon, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, araw-araw dng nakikibaka. Kunsabagay, ang buhay naman ay walang hanggang pakikibaka. Pero dapat may hangganan din ang lahat -- ang laging pagpapagod, ang sakit ng katawan. Hindi kailangang ganito pa din pang sitwasyon lima o sampung taon mula ngayon. Kalokohan na ang araw-araw na pag-iisip ng ikayayaman. Kailangang may mabago limang taon mula ngayon. Enough is enough!


Like Maria in Eleven Minutes, sinasabi n'ya na titigil na s'ya sa pagiging prostitute kung napabahayan na nya ang mga magulang n'ya, nabili na nya sila ng isang farm land, kapag sapat na ang ipon n'ya, kapag meron na s'yang pamasahe pauwi ng Rio de Janiero. At nang nagawa na nya ang lahat ng ito, talagang pinanindigan nya na tama na ito. This is enough. I wan't to go home.


In the end, tanging mga sarili lamang natin ang makapagpasya.


When you think you have enough, then it's enough.









kaEMOhan ba 'to?



Read more...

Thursday, July 31, 2008

wala ako sa MOOD

Hindi ako perpektong tao.

Sana kung ganoon nga kalevel ko na si GOD. Pero ilusyon lang 'yon. Ayokong maging perpekto, ayoko kong maging GOD. Sobrang busy kaya maging ganon. Ayoko ko ng komplikadong buhay. Ayoko ng magulo. Di ko sinasabing magulo si GOD.

Pero sa buhay, madalas kung minsan ang, kahit anong pilit mong ilayo ang sarili mo sa isang magulong sitwasyon lalo kang itinutulak ng pagkakataon palapit dito. Pinipilit nating maging isang mabuting tao sana pero hindi maiiwasang makabangga mo ang iba na taliwas ang paniniwala at kuang anumang panuntunan sa buhay meron kaya nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan. Kung sarili mo lang sana ang mundo, walang makikialam, wala kang pakikibagayan. Pero paano naman kaya 'yon? Hindi na social animal ang magiging definition ng tao.

Meron akong isang alam sa buhay na malaki ang epekto nito sa araw araw na nabubuhay ako. Eto rin siguro ang dahilan kung bakit tingin ng iba ay masayahin akong tao at minsan, nagiging sanhi din ng pagiging makasarili ko at 'yong happy-go-lucky-attitude meets one-day-millionaire. Lagi ko itong nasasaisip.

"Ang buhay ay simple lamang, ang tao lang ang gumagawang komplikado. "

Malaki ang naging impluwensya ng panuntunang ito sa akin. Ito rin marahil ang nagdala sa akin sa sitwasyong kinasasangkutan ko ngayon. Sabi ng iba, life is a matter of choice. Depende sa kung ano ang pinili mo ang magiging buhay mo. E, ano ang destiny? A-uh..gumugulo na.

Minsan, natigil din akong mangarap at iniisip na lang na makontento ako sa kung ano ang magiging meron. Kahit wala ng ganito, walang ganyan, basta ang importante masaya. Simple lang naman ang buhay. Hindi naman daw lahat ng mga materyal na bagay ay makapagbigay ng tunay na kaligayahan. Materyal lang 'yon -- nawawala, naluluma. Sabi nga ng tatay ko, 'yaan na natin yan, di naman nila yan madadala sa kabilang buhay. Ambait ng tatay ko.

Paano ba talaga ang maging masaya? Meron bang point talaga sa buhay ng tao na pwedeng marating at kapag naabot mo na 'yon, you will be ultimately happy? Sa anong stage kaya? To think na pababa na ng pababa ang life span ng ordinaryong Pinoy, may pag-asa ba kayang maabot yon? Anu-ano ba ang mga dapat pagdaanan? Kung sana ganon nga ang tamang kaligayahan -- hindi s'ya abstract. 'Yon bang pwede mong mabili o mahiram o manakaw o matrade-in, sana lahat meron ng collection ng kaligayahan.

Simple lamang ang buhay. Ang mga unlimited wants at paglimot sa mga needs ang isa ring dahilan kung bakit masyado ko ring pinapahirapan ang sarili ko. Kung minsan 'di ko na din kasi alam kung need ba o want ang isang bagay -- na madalas mangyari. Basta I want it just for the sake of having it. Naalala ko pa nag isang katrabaho ko dati. Her main goal kung bakit sya naging service crew is to earn to buy the Nokia 3250 and it makes someone "sosyal" that time. 'Yong magkaroon nga lang ng Nokia 5110 ay kaastigan na. Kaya daw sa every punas na ginagawa niya sa mesa, sa bawat ligpit niya ng pinagkainan ng kustomer, iniisip niya, "celfone 'to, celfone 'to." 'Di ko alam kung nabili nga nya kasi nauna akong nag-endo sa kanya pero na-impress ako sa kanya. At least meron s'yang motivating factor para magtrabaho at iyon ay para sa kanyang sariling kaligayahan, walang ibang responsibilidad, walang umaasa sa kanya. I also want to have this attitude 'yong for personal upliftment lang ang iisipin ko pero 'pag ginawa ko to, maraming magsasabing ang sama sama kong tatay, asawa at anak.

Hindi ako emo, wala lang ako sa mood. Masama lang talaga ang loob ko nitong nakaraang araw dahil lamang sinabihan akong "wala ako sa mood." O ha! Parang sex life ano. Wala sa mood, bakit? Then there was silence . . . . . . . . . . . . . !

Wala akong nagawa kundi pagbigyan ang emosyon ko. Tao lang din ako kaya at di ko maiwasang di magtampo. Never kong iniisip na sisihin ang sitwasyon ko ngayon kasi dito ako masaya. Natural lang daw yon. Normal lang daw at ang ibig sabihin daw n'yan -- MARRIED LIFE!



Read more...

Sunday, July 27, 2008

what's wrong with FARTING?


Nanonood kami ng PDA last week, 'yong episode kung saan ilang beses na umariba ang sirang tyan ni Bugoy. Naisip ko tuloy bigla ang sarili kong karanasan sa ututan.

Iba't ibang reaksiyon meron sa ganitong sitwasyon. Depende sa okasyon at depende sa kung sinu-sino ang naroroon. Kadalasan inis sa taga-amoy at pigil na tawa na may halong hiya naman sa guilty. Bakit kaya ganoon? Nakikiamoy na nga lang sila galit pa? Di na lang nila lunukin e wala namang tinik 'yon. Mas mahirap kaya ang umutot.


Bakit nga ba nauutot ang isang tao? Bakit lahat ng utot mabaho?


Ayon sa isang source, ang UTOT daw ay kombinasyon ng mga hangin (nitrogen, carbon dioxide, oxygen, methane at hydrogen sulfide) mula sa tiyan ng tao papunta sa anus. Nangyayari daw ito kapag ang isang tao ang nasobrahan ng hangin o di kaya ay kumain ng sobrang pagkain na hindi kayang tunawin ng tiyan kaagad kaya nakukulong ang hangin sa tiyan at walang ibang choice kundi ang lumabas ito sa wet-paks.


Kaya daw daw mabaho ang utot dahil sa hydrogen sulfide na naglalaman ng sulfur na nagiging sanhi ng mabahong amoy. Mas maraming sulfur sa pagkain, mas mabaho ang utot at ilan sa mga pagkaing ito ay repolyo, beans, keso, soda at itlog.


At ito pa, flatus o flatulence ang scientific name ng utot.


At ito pa uli:


Did you know?



  • On the average, a healthy person farts 16 times a day.

  • Hey guys, don't be fooled by girls who never told you that they never fart. Everyone farts, including girls, In fact, females fart in as much as males.

  • Animals fart too -- cats, dogs and cows. Elephants fart the most.

  • People fart most in their sleep.

  • Farts that contain large amount of methane and hydrogen can be flammable.


Di ko mapigilang tumawa sa natutunan ko ngayon. Madalas kami mag-away ni misis dahil sa utot lang. Ngayon ko napatunayan na mas mabaho ang utot ng mga babae kesa mga lalaki. Bahala na ang magreact, opinyon ko yan. Paano kasi sobrang sensitibo ng tyan ng asawa ko lalo na kapag hindi nya trip ang pagkain, ang daling masira tapos unconsciously, nagbubuga ng masamang hangin.


Alam ko nam dahil sa karanasan ko sa utot, hindi ako makakalimutan ng mga kaklase ko noong first year high school pa lang.


" A, si kwan...'yong umutot?"


Departmental exam kasi noon. (Di ko alam kung bakit ganon ang tawag sa exam na 'yon) Panghapon ang shcedule namin. Hiwalay ang kwarto ng mga lalaki sa mga babae. Bago magsimula ang pagsusulit, kabilin-bilinan ng nanay ko na huwag kumain ng itlog pero pwedeng kumain ng mani. Pampatalino daw ang mani kahit alam kong 'di ko na kailangan 'yon, kasi pwede naman akong mangopya. Kaya, inubos ko baon kung 5 pesos para bumili ng piniritong mani. Sobrang confident ako kahit ako star kid. Medyo may kahirapan ang eksam. Basta Math mahirap sa akin 'yon. Nakatingala ako sa kisame na para bang hinahanap ko don ang kasagutan pero hinihilo ang paningin ko nga isang butiki. Di ko pa rin maalala ang tamang sagot. Tingin sa kanan, sa kaliwa, tingala uli. At ayon, biglang parang naapakan ko ang pato.


"Purrrrttt..t.t..tt.ttttt!"


Okey sana kung maigsi lang pero 'yong tipo talaga na parang warning bell sa haba at parang may mikropon sa puwet ko at abot hanggang row 7 ang tunog. Syempre, in denial ako. Hindi, hindi ako yon. Pero pulang-pula na ang mukha ko sa hiya. Lahat ba naman kasi ng kaklase ko humahalakhak at syempre all eyes ako. Letseng mani 'yan. Pero di pa din ako nagpaapekto ang tinapos ko ang pagsusulit saka nauna akong umuwi. At syempre, hanggang ngayon yan, di makakalimutan ng mga "may ugali kong kaklase."


Wala namang masama pag umutot. Ganyan ang tinging ng mga Swiso dito. Mas okey pa daw ang umutot kesa magburp. Kapag nagburp ka daw kasi, you just bring the pig in you ang tingin nila at mas bastos ka kesa sa umutot. Natural phenomenon daw kasi 'ikanga ang utot at nasa manners naman daw ang burping. Kaya never kang gumighay kapag Swiso ang kaharap mo para bang 'wag kang kakain sa kaliwang kamay mo kung Arabo ang kaharap mo.


Sabi nila, di daw dapat ma-insecure ang mga mahirap sa mayaman, kasi pagsamasamahin man daw sila ay walang ipinagkaiba sa amoy ng utot nila -- parehong mabaho.


Pero sana siguraduhin mo lang na walang ibang makakaamoy kundi ikaw lang.


Ayan na nauutot na ako.



*****



PS



Natuwa naman ako. Umakyat na sa PR2 ang Page Rank ko. Sobrang salamat sa lahat ng bumibisita sa bahay ko.


Read more...

Tuesday, July 22, 2008

matterHORN

Ito ang makikita sa official logo ng isang sikat na brand ng chocolate at minsan naman sa isang brand ng relo. Isa rin itong "finalist" sa 8th wonder of the world. Ang lugar sa Switzerland kung saan meron pa ring snow kahit summer -- sikat at cool na cool para sa mga skiers. 'Yan ang Matterhorn.




Isang panibagong adventure ito para sa akin na mapasama para makita ang ipinagmamalaking ng Switzerland. Sulit ang pagkagising namin ng maaga para makita itong magnific at majestic na bundok. Makikita ito sa range ng Pennine Alps na naghahati between Switzerland at Italy na man taas na 4478 meters (14, 692 ft.)



Nakakalula ang daan kahit papalapit pa lang kami ng Zermatt. Matatarik na bangin ang dinadaanan ng bus at kinakailangan ding magtrain para maranating ang sentro ng village ng Zermatt. May kalamigan nag hangin kahit summer. Sa sentro ng Zermatt, walang public transport, kaya ideal din talaga ang lugar na ito sa mahilig maghiking. Kalesa ang isang transportasyon nila pero syempre may kamahalan na at kung may sasakyan naman e may mga solar panel sa bubong kaya walang polusyon. At ang mga bahay, mga chalet ang nakapaligid. Sosyal ka pag meron na nito.


(sentro ng Zermatt)

Ang tuktok ng Matterhorn ay tanaw na tanaw mula sa sentro ng kabihasnan pero di ako papaawat. Gusto ko makita ito in closer view kaya kahit may kamahalan (wala naman kayang mura dito) kumuha ako ng isang tiket (isa lang kasi di pwede sumama ang anak ko kaya pati asawa ko nagpaiwan) para sa cable car ride. Nakakamangha. Mapapa-wow ka ta sa makikita mo sa cable car pa lang. Eto na lang, may mga kuha pala ako.

(nakadalawang lipat ako ng cable car)



(Zermatt Village)

(cloudy kasi kaya di kita ang buong Mattehorn)


(forever ang snow dito)


(ang mamang ito pinagtitinginan ng mga tao dito kasi kapal ng mukha, sya lang ang nakaganyang suot at napeke ang ginaw ng paligid at natunaw ang bawat niyebe na madadaanan nya)

Butas man ang bulsa at pagod man ang katawan pagkatapos ng byahe, sulit naman ang naging karanasan. Ganunpaman, ilang beses ko mang makita ang kaharian ng Matterhorn, lagi ko pa ring mamimiss ang burol sa paanan ng bundok kung saan ko pinapastol ang kalabaw namin.


Itutuloy....






Read more...

Friday, July 18, 2008

meron pa akong KWENTO

Sobrang nakakahiya.

Pasensya na sa sandamukal na mga pakialamero at tsismosa't tsismoso na nagawi sa lungga ko kahit parang brown-out at abandonado na ito. Nandito lang naman ako pero talagang kulang talaga ang oras ko para mag-update ng blog ko kaya sa abot ng aking makakaya at isasakripisyo ko pa ang sex life ko para makagawa ng entry na ito. Pauna ko na, sa inyong lahat, sobrang salamat.



Sa totoo lang kasi, medyo mabigat ang pasok na buwan ng Hulyo sa akin. Mabigat, in the sense that, kailangan kong gumawa ng mga desisyon na alam kong makakaapekto sa isa pa. Kaya kailangan ng tamang pagmumuni muni at lakas ng loob para gawin ang mga bagay bagay. Sa wakas, kasi, napuno ang isang buong linggo ko ng trabaho. Ibig sabihin milyonaryo na uli ako. Oo at sana ganon lang kadali 'yon. Pero hanggang salita ko lang ang pagiging milyonaryo. Kaya tuloy, masyadong gamit na ang matipuno kong katawan at unti-unti ko ng nabibilang ang natitirang buhok ko sa bunbunan. Hirap talaga ng buhay. Sa eto ang hinahanap ko, e di eto ang ibinigay pero ayos lang.


At dahil na rin sa di, maintindihang panahon kung minsan dito, maiinit tapos biglang uulan at the next day pagkagising mo malamig, parang nilalamukos ang laman ng ilong ko. Hindi ko alam kung bakit pero may mga time na hindi ako komportable at salamat talaga sa super concerned kong asawa -- kinunan n'ya ako ng appointment sa isang EENT. Sana nga lang 'di masyadong seryoso kunga anuman 'to.


Araw-araw ko ding napapanood ang mga balita sa Pilipinas sa tulong ng pinoychannel.tv. Balita na kung minsan ay pare-pareho ang sinasabi -- ang walang kamatayang pagtaas ng gasolina, pamasahe, bilihin -- at ang klasikong walang dagdag sa sweldo. Pero ganunpaman, nakakamiss din ang Pilipinas.


At syanga pala, pagkalipas ng ilang araw na pag-i-ensayo at pagkaroon ng mga galos dahil sa pagkakadapa, pananakit ng paa at beywang, nagbunga na rin ang determinasyon kong matutong magrollerblades. Sa tulong ng expertvillage.com, nakakuha akong online guide para sa mga beginner na gustong matuto. 'Langhiya, I'm a beginner.


And finally, naikabit na uli ang pustiso ko. Ibig sabihin, dyeta na naman ito kasi bawal kumain ng matigas, bawal muna inguya. Utang na loob, di ko kaya ang puro sabaw at lugaw. Epektib palang magpapayat ang pagkakaroon ng dentures lalo na kapag bagong kabit.


Sa mga nagtag pala sa akin, pasensya talaga kung di ko pa nagagawa. Pero, paisa-isa matatapos ko yon.


Salamat kaibigan!







Read more...

Wednesday, July 09, 2008

meron akong KWENTO

Sa mga malimit bumalik dito sa haybol ko, sobrang salamat sa inyong lahat. Pasensya na kung natagalan bago muli ako nakapag-update medyo occupied lang ako this week at dahil don masarap nang magpahinga pagdating ng bahay kinagabihan.


Pero dito na uli ako at meron lang akong ibabalita.


  1. Since summer is at peak na, kaliwa't kanan na namn ang imbitasyon namin para sa mga piknikan. Kaya magwawala-walaan na naman kami sa weekend.


  2. Nahirapan pa din akong makontak ang pamilya ko sa Bisaya. Wala pa ring matino na signal pero sa awa naman ng Diyon ay hindi naman sila masyadong nasalanta ni Frank unlike sa Kalibo. Eto pala, alam kong medyo ayaw ipaalam ng kaibigan ko ito. Sa mga sumusubaybay pala sa blog ng kaibigan kong si Abou, nais kong iparating na kaya sya super hiatus ay dahil walang kuryente at internet connection magpahanggang ngayon sa kanila sa Kalibo. At hanggang ngayon pa din ay lubog pa din sa putik ang lugar nila at hirap malinis kasi, wala ding supply ng tubig sa kanila. Pero in time, malupit syang magbabalik.


  3. Akala ko biro lang n'ya. Pero kahapon natanggap ko ang snail mail na sinasabi ni ayz sa plurk. 'Di ko na ididetalye ang laman ng sulat nya pero isa lang ang masasabi ko, "Ayz, wala kang hilig magkwento."



  4. Meron akong bagong pinagkakaabalahan ngayon. Gustong gusto ko kasing matutuong mag-ice skating. Kahit noong nasa Maynila ako lagi akong nakatambay malapit sa skating rink sa Megamall. Inggit na inggit ako sa mga marunong mag-skate. Kaya gusto kong matuto pero this time, kahit feeling ng iba ay ang tanda ko na para dito di bale na. Eto ang pinagkakaabalahan ko ngayon.



  5. Finally, nagpasya na ako pagkatapos ng tatlong taon na pagkakasama namin na iwanan na sya. Nakakapanhinayang man at masakit sa loob ko pero kailangan kong magpakatotoo sa sarili ko at siguradong mamimiss ko s'ya.






'Yon lang!






Read more...